Bilyaran, ipapasok na sa paaralan para mabawasan ang umaabsent na estudyante? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bilyaran, ipapasok na sa paaralan para mabawasan ang umaabsent na estudyante?

Karl Cedrick Basco,
ABS-CBN News
Published Apr 28, 2017 04:50 PM PHT

ANTIQUE – Ang bagong tambayan ay hindi na sa labas ng paaralan.

Hindi maikakailang sakit ng ulo ng Department of Education ang mga nagsusulputang bilyaran ilang metro lamang ang layo sa mga paaralan na madalas mas pinupuntahan pa ng mga estudyante araw-araw.

Pero mukhang nakahanap na ng solusyon ang DepEd kung paano mapapababalik sa loob ng silid-aralan ang mga kabataang mas pinipiling mag-cutting classes makapag-bilyar lang.

Kung hindi puwede maglaro sa labas, bakit hindi ipasok sa loob ng paaralan ang billiards table?
Kung hindi puwede maglaro sa labas, bakit hindi ipasok sa loob ng paaralan ang billiards table?
ADVERTISEMENT
Ito ang nakikitang sagot ng DepEd upang mabawasan ang dumaraming bilang ng mga estudyanteng umiistambay sa mga bilyaran o ‘di kaya’y tuluyan nang tumigil sa pag-aaral.

Matapos ang tatlong taong pagiging demo sport, tuluyan nang naging regular sport ang billiards sa Palarong Pambansa 2017 sa San Jose de Buenavista, Antique na humihikayat sa mga mag-aaral na subukan ang sport.

Ayon sa tournament director ng billiards competition sa Palaro na si Jofran Nyl Tupas ng Negros Occidental, hinihikayat ng DepEd ngayon lalong lalo na ang kanya ka-division na bumili ng billiards table na tumanggap naman ng positibong reaksyon mula sa mga kapwa guro.

“We are putting billiards inside the school para ‘yung mga manlalaro natin hindi na lalabas. Para ‘yung pagte-training natin hindi na lalabas,” ani Tupas.

Ipinagmalaki rin nito na ang pagdadagdag ng sport sa Palarong Pambansa ay nakahila ng mga drop-outs na kabataan na muling bumalik sa pag-aaral.

“’Yung programa ng DepEd na sinali ‘yung billiard sa Palarong Pambansa, marami ang bumalik na drop-outs, maraming bumalik na mahilig mag-billiard na bata natin,” pahayag ni Tupas sa ABS-CBN News.

Ikinatuwa rin ng ilang mga gurong nagtuturo ng bilyar ang naging desisyon ng kagawaran, kagaya na lamang ng coach ng SOCCSKSARGEN na si Ryan Dinero na sinabing ipinapakita ng Palaro na hindi masamang sport ang billiards.

Ayon sa kanya, kung dati, hirap silang pabalikin ang mga mag-aaral na mahilig sumargo na pumasok sa silid-aralan, ngayon kusa na silang bumabalik upang sumali sa team at ipakita ang kanilang husay sa laro.

“Before nakikita nila ang bilyaran as a disturbance sa students but now they see it in a positive way na kapag nilagay nila ang billiard sa school, ‘yung ‘di nag-aaral may way na para pumasok siya sa paaralan,” tugon ni Dinero.

Kasalukuyan, maaaring nang maglagay ng billiards table sa loob ng paaralan at magkaroon ng pormal na pag-sasanay ang mga estudyante sa laro. Magagamit ito tuwing P.E. time ng mga mag-aaral at sa limitadong oras.

Kumukuha na rin ng mga tagapagsanay ang iba’t ibang paaralan upang lalong mahasa ang galing ng kanilang mga kinatawan sa mga paligsahan. Ang bilyar sa paaralan, dagdag pa ni Dinero, ay iba sa larong labas dahil tinuturuan nila ang mga estudyante na ang sport ay hindi pangsugal.

Sa ngayon, hindi na lamang sa basketball at volleyball nangyayari ang scouting ng mga may potential na atleta.

Dahil na rin sa pagkakasama ng bilyar sa regular sports ng Palaro, may ilang rehiyon sa bansa kagaya ng Region 12 na humahanap ng mga out-of-school youth na tambay ng bilyaran sa labas ng paaralan upang hikayating bumalik sa pag-aaral ang lumahok sa iba’t-ibang paligsahan.

“Nag-i-scout kami ng out-of-school youth na qualified pa sa DepEd. Nag-iikot kami ng mga may potential sa billiard at inaaya namin bumalik sa pag-aaral at magkaroon ng tsansa sumikat through billiards,” ani Marconie Luague ng Region 12.

Pero sa kabila ng paghihikayat sa kabataan na sumali sa sport, binigyang diin ni Tupas na hindi pa rin maaaring magtayo ng bilyaran malapit sa paaralan lalo pa’t na-e-engganyo ang ilang mag-aaral na hindi pumasok at tumambay na lamang doon.

Hindi rin aniya bulakbol na estudyante ang mga batang mahilig sa bilyar dahil ito ay isang laro ng matatalino. Pinatotohanan ito ni Dinero na sinabing, maraming atleta ngayon na matataas na ang grado sa paaralan.

(For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.)