Problema sa sahod ng OFW sa Kuwait, idinaing ng kaanak | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Problema sa sahod ng OFW sa Kuwait, idinaing ng kaanak

Problema sa sahod ng OFW sa Kuwait, idinaing ng kaanak

ABS-CBN News

Clipboard

Dumulog sa Lingkod Kapamilya ang ina at asawa ng isang overseas Filipino worker sa Kuwait upang humingi ng tulong hinggil sa halos limang buwang hindi pagpapasuweldo sa kanila ng kumpanyang pinapasukan.

Ayon sa ina ni Noli Aguilar, nag-aalala lamang siya sa kasalukuyang kalagayan ng anak.

"Kung diyan ka magpipilit para lumipat, iyun at iyun din ang magiging problema. Ayaw kong nagkakaproblema kayo dahil trabaho hanap suweldo, hindi trabaho nang trabaho walang sweldo," sabi ng kanyang inang si Lea.

Kuwento ni Aguilar, isang mechanical engineer, maglilimang buwan nang delayed ang kanilang pasahod sa kumpanya.

ADVERTISEMENT

Nitong nakaraang Linggo, anim sa kanilang mga kasamahan ang humingi na ng tulong sa Philippine Embassy para mabigyan sila ng advice para makuha ang kanilang sahod.

"Yung Philippine embassy dito tinawagan yung boss namin, at HR namin...nagbigay naman sila ng promise na ibibigay yung sahod namin. Hindi namin alam kung one month o two months o full salary namin," sabi ni Aguilar.

Payo daw ng embahada na magtungo ulit sa tanggapan nito sakaling di tumupad sa pangako ang kumpanya.

Pero para sa kanya, hindi praktikal ang umuwi ng Pilipinas at doon muli magsimulang maghanap ng mapapasukang trabaho.

"Nandito na rin kami bilang professional. Ang akin lang, mabigyan kami ng release, mabigay pera namin, makahanap kami ng ibang trabaho, ibang kumpanya na makapag-provide sa amin ng maganda," sabi niya.

Batid niyang nahihirapan ang kanyang pamilya lalo't wala siyang maipadala dahil sa naipit na sahod nila.

"Thank you sa pag-aalala. Alam ko na kayo ay nahihirapan diyan. Kami rin rito nahihirapan. Ang akin na lamang ay mabayaran ang mga utang diyan. Dito may mga utang din kami hindi pa namin nababayaran. Uuwi man ako, ang problema ganu'n pa rin. San ako kukuha ng perang pampalakad ng mga papeles ko diyan? Saan ako kukuha? May asawa't anak na ako di ko man lang ma-provide," sabi niya.

Hiling din niya na maunawaan siya ng kanyang mga mahal sa buhay.

"Andito na rin ako. Dito ko na rin hahanapin kung anong merong mapupuntahan dito, magsikap ako dito. Ang akin lang magtiwala kayo, magdasal at magtiis," sabi niya.

Sabik na sabik na rin ang asawa ni Aguilar na makita siya lalo't magdidiwang ng kaarawan sa susunod na linggo ang kanilang anak.

"Gusto kong makauwi, gusto kong magbakasyon pero sana mabigyan muna ako ng trabaho dito. Naghahanap kami ng maa-apply-an ilang araw na," sabi ni Aguilar.

Samantala, puwedeng habulin ang agency ni Aguilar sa Maynila sakaling magpatuloy ang problema nito sa sahod.

"We will compel the Philippine recruitment agency to assist the worker to ensure na 'yung kanilang salary claims ay maibigay kaagad," ayon kay Welfare Officer Josephine Tobia ng Overseas Workers Welfare Administration.

Sa huli, nagpasalamat si Aguilar sa pamilya sa pagpaparating sa kinauukulan ng kanilang problema sa Kuwait. Tanggap man niya ang agam-agam ng pamilya, nais lamang niya na manalig sila at magtiwala sa kanya.

"Hindi namin ipapahamak ang sarili namin dito," sabi niya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.