Minimum wage ng mga kasambahay sa Hong Kong itinaas | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Minimum wage ng mga kasambahay sa Hong Kong itinaas

Minimum wage ng mga kasambahay sa Hong Kong itinaas

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA - Itinaas ngayong Sabado ang suweldo ng mga kasambahay sa Hong Kong na sumasahod ng minimum wage.

Tataasan ng 2.3 porsyento o papalo na sa HK$4,410 (P28,730.30) ang sahod ng mga kasambahay sa Hong Kong na may mga kontratang pipirmahan sa Sabado o pagkatapos nito, ayon sa ulat ng South China Morning Post.

Para naman sa mga kasambahay na mayroon nang mga umiiral na kontrata, ipoproseso pa ng Immigration Department ang aplikasyon para sa pagtataas ng sahod.

Kailangang umabot sa departamento ang mga aplikasyon sa Oktubre 27.

ADVERTISEMENT

Ang allowance naman para sa pagkain na kadalasang ibinibigay bilang pamalit sa libreng pagkain na nakapaloob sa kontrata ng mga kasambahay ay tataasan rin ng HK$16.

Mula sa HK$1,037 (P6,755.86) ay magiging HK$1,053 (P6,860.09) na kada buwan ang allowance para sa pagkain.

Huling nagtaas ng minimum wage ng mga kasambahay ang Hong Kong noong Setyembre ng nakaraang taon, kung saan tumaas ito mula HK$4,210 at naging HK$4,310.

Mahigit 350,000 na dayuhang kasambahay ang nagtatrabaho sa Hong Kong, kung saan mahigit sa kalahati ay mula sa Pilipinas.

(1 Hong Kong Dollar = 6.5148 Philippine Peso)

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.