Plastik, natagpuan sa inuming tubig | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Plastik, natagpuan sa inuming tubig

Plastik, natagpuan sa inuming tubig

ABS-CBN News

Clipboard

Nadiskubreng may 'microplastics' ang inuming tubig na sinuri mula sa limang kontinente.

Ayon sa pagsusuri ng Orb Media, isang digital news organization na nakabase sa Amerika, 83% ng mga sample ng tubig na kanilang sinuri ang nakitaan ng microplastics.

Hanggang 5 millimeters din ng microplastics ang nadiskubre sa mga bottled water.

Hindi inilista ang lahat ng mga lugar sa mga kontinenteng pinagkuhanan ng water sample, pero nabanggit sa ulat ang New York, Uganda, Germany, Cuba, at Lebanon.

ADVERTISEMENT

Ito ang unang pagkakataon na pinag-aralan ang microplastic sa inuming tubig.

Nagkakaroon ng microplastic kapag nabulok o nag-degrade ang plastic.

Marami nang nakaraang pag-aaral tungkol sa sangkaterbang microplastics sa mga karagatan sa buong mundo.

Tinatayang limang trilyong piraso ng plastic ang naiiwang lumulutang sa mga anyong tubig.

Kapag nabulok ito at naging microplastic, karaniwang kinukuha o ina-absorb nito ang mga nakalalasong kemikal sa dagat.

Naisasalin ang mga nakalalasong kemikal sa mga isda at iba pang hayop sa dagat na maaaring nakakonsumo nitong microplastics.

Wala pang malinaw na pag-aaral sa epekto ng pagkonsumo ng microplastics sa katawan ng tao.

Pero base sa mga pag-aaral sa isda, nakaaapekto ang microplastics sa paglaki nito at sa mga itlog ng isda.

-- Isinalin mula sa ulat ni Anna Pujol-Mazzini, Thomson Reuters Foundation

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.