Ilang OFWs sa Saudi, nagbebenta ng dugo para makapagpadala ng pera | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang OFWs sa Saudi, nagbebenta ng dugo para makapagpadala ng pera

Charles Tabbu,
ABS-CBN Middle East News Bureau
Published Jul 24, 2016 05:56 PM PHT

Ilang overseas Filipino worker (OFW) na standed sa Jeddah, Saudi Arabia ang nagbebenta ng dugo at nangangalakal ng basura para makapagpadala lang ng pera sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas.

Kwento ng OFW pipefitter na si Rolando De Jesus, "'Yun na lang po ang alam naming alternatibo na paraan para mabigyan ng konting pera ang aming pamilya."

"Magpapakuha po kami ng dugo dalawang beses sa isang buwan. Aasa na lang po sa dalawang buwan na tatawagan kami, para mgpakuha ng dugo."

Alam anya nilang mapanganib sa kanilang kalusugan ang madalas na pagbebenta ng dugo, pero mas matimbang anya ang kanilang pag-aalala para sa kanilang mga pamilya.

ADVERTISEMENT
"Sa panahon po namin dito, mas mahalaga po ang kakainin ng pamilya namin keysa sa kalusugan namin," ani De Jesus.

Naibebenta ng mga OFW ang kanilang dugo mula 350 to 400 Saudi riyals, depende sa ospital na bumibili.

Pagsapit naman ng takip-silim, nakahanda ang ibang OFW na halungkatin ang mga basura, sa pagbakasaling may mga mapapakinabangan pa silang pagkain.

Dahil sa karanasang ito, tinawag nila ang kanilang sarili na "pagpag boys."

Sa ibang komunidad ng OFWs, nagkakapit-bisig ang mga Pilipino para magdala ng mga pagkain sa "pagpag boys."

Lubos naman ang pagpapasalamat ng grupo sa mga kapwa Pilipino.

"Kung wala po sila, hindi po sapat ang aming pagpapagpag namin ng pagkain sa basura po para tugunan ang aming arawa-araw na pangangailangan," sabi ni Rodini Romo.

Umapela ang OFW community leader sa Jeddah na si Mar Par na agad matulungan ng gobyerno ang mga straded na Pilipino roon.

Nagpaabot na ang pamahalaan ng P20,000 sa mga OFW at karagdagang P6,000 para sa kanilang pamilya.

Pero bagama't nagpapasalamat sa tulong, aminado ang mga OFW na hindi ito sapat dahil magsisilbing pambayad utang lang ang naturang halaga lalo't limang buwan nang hindi sumasahod ang ilan sa kanila.
"Dito sa aming kumpanya limang buwan na po kaming walang sahod. Ang ginagawa naming paraan para maka-survive po kami ay umuutang po kami sa mga tindahan po. Tapos sinisingil na po kami dahil alam nilang may tulong financial po galing Pilipinas," paliwanag ni Romo.

Nanawagan na rin sila sa ahensiyang nag-deploy sa kanila sa Saudi Arabia.

"Ako po ay nananawagan sa aming agency po, sa Concept…. Kahit konting pagtulog po sa amin dito. Kami po ay biktima rin ng mga pangarap namin na makaahon as buhay. Kaya tulungan niyo po kami na kahit maasikaso lang ang aming mga papel," sabi ni Julius Olayon, isang welder.

Hindi naman nawawalan ng pag-asa ang mga OFW na matutugunan na ang kanilang problema sa pagdalaw doon ng mga kinatawan ng Department of Labor and Employment (DOLE), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

"Sa ngayon po meron pong aksyon na malinaw na ginagawa na po ng gobyerno natin, hindi gaya noong past na binisita po kami, e walang kaukulang malinaw na binibigay sa amin na aksyon na pabor sa aming manggagawa," sabi ni Romo.
Umaasa rin sila na sa tulong ng bagong administrasyon, makakauwi na sila sa lalong madaling panahon.