Paghahanap sa nawawalang OFW sa Jeddah, sinimulan na | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Paghahanap sa nawawalang OFW sa Jeddah, sinimulan na

Paghahanap sa nawawalang OFW sa Jeddah, sinimulan na

Charles Tabbu,

ABS-CBN Middle East News Bureau

Clipboard

Ipinadala na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dating consul general ng Jeddah, Saudi Arabia para hanapin ang nawawalang overseas Filipino worker na si Diosalyn Seva.

“Find Seva,” ito ang commitment ni Duterte sa kapatid ng OFW na si Sgt. Michael Joe Fabian, isa sa mga sugatang sundalong binisita nito sa V. Luna hospital noong nakaraang taon.

“Sometime last year, August 2016, ng dumalaw si president Duterte, sa mga wounded soldiers sa V. Luna hospital, na meet niya itong si Sgt. Michael Joe Fabian. So ang hiniling si Sgt. Michael Fabian, sana matagpuan ang missing sister niya dito sa Saudi Arabia. Nag-commit si president na ipapahanap niya sa Department of Foreign Affairs si Diosalyn Seva,” sabi ni Moh’d Noordin Pendosina Lomondot, special assistant of the Office of Migrant Workers’ Affairs.

Isang taon nang walang komunikasyon sa kanyang pamilya sa Pilipinas si Seva, dating high school teacher sa isang paaralan sa Nueva Vizcaya. Labis ng nagaalala ang asawa at mga magulang nito sa kanya.

“Ma, ginawa ko na ang lahat para ma-locate ka. Pumunta na ako sa DFA, OWWA at POEA. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sana ay makipagtulungan ka rin na mahanap ka para matulungan ka ng DFA,” pahayag ng kanyang asawa na si Alvison.

ADVERTISEMENT

Taong 2015 nang mag-abroad siya at magtrabaho bilang domestic helper sa Jeddah. Pero hindi pinalad si Seva. Ayon sa reklamo ng kapatid niya sa DFA, minamaltrato at hindi raw ito pinapasahod ng kanyang amo kaya raw ito tumakas at hanggang ngayon hindi na nagparamdam.

Huling nakausap si Seva noong February 2016. Nakapagpadala pa daw ito ng pero sa kanyang pamilya noong March 2016. ito na ang huling contact niya sa kanyang magulang.

“Hello, Diosalyn. Kumusta ka na anak ko? Sana tumawag ka naman sa akin dito kasi, nag-aalala na ako sa iyo. Isang taon ka ng wala, hindi ka man lang tumatawag. Maaring tawagan mo naman ako?” sabi ng kanyang ina na si Lourdes Fabian.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.