Barangay sa Legazpi City nangumpiska ng mga laruang baril ng bata | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Barangay sa Legazpi City nangumpiska ng mga laruang baril ng bata

Karren Canon,
ABS-CBN News
Published Dec 28, 2019 04:37 PM PHT

BOGTONG, Legazpi City — Isang chairman sa isang barangay dito ang nagsimulang mag-ikot at mangumpiska ng mga laruang baril mula sa mga batang residente.

Ayon kay barangay chairman Armando Toledo, nag-ikot siya sa kaniyang nasasakupan kasama ang mga tanod nitong Sabado ng umaga at nakakumpiska sila ng 3 laruang baril.

Ito ay kahit walang nakapasang ordinansa kontra pellet gun.

Sabi ni Toledo, ginawa niya ito dahil sa mga insidente ng sakitan kung saan natatamaan ang mga mata ng ilang bata na naglalaro ng pellet gun.

Pabor naman ang mga magulang sa naging desisyon ng kanilang punong barangay.

May mga bata at magulang din na kusang itinurnover sa barangay ang kanilang toy gun.

Ayon sa pulisya, hindi nila ipinagbabawal ang toy gun partikular ang pellet gun para sa mga bata pero hinayaan na lang nila si Toledo para na rin sa kaligtasan ng mga bata.