Tips para hindi maloko sa online shopping | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Tips para hindi maloko sa online shopping

Tips para hindi maloko sa online shopping

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kahit minsa'y hindi nagpunta ng mall si Tina Elliot para mamili ng mga panregalo dahil lahat naman aniya'y maaari nang bilhin online.

"Wala na akong time para sumugod papuntang Divisoria so I found out through a friend na, she does Christmas shopping online," ani Elliot.

Nakatutulong din kasi umano ang online shopping para makaiwas sa sakit ng ulong dulot ng trapiko, pag-iikot sa mall at haba ng pila sa pagbabayad.

Pero aminado si Elliot na hindi lahat ng nabili niya online ay kaaya-aya. Ang ilan sa mga ito'y maganda lang aniya sa retrato.

ADVERTISEMENT

"Pagdating sa akin, ang pangit ng quality, so last minute, I had to order from another supplier na mas mahal na," kuwento ni Elliot.

Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), marami ang mas pinipiling mag-online shopping lalo tuwing Pasko at Bagong Taon.

Pero marami rin umano ang nadidismaya sa kalidad ng produkto.

Nagbahagiang ilang tips ang DTI para maiwasang maloko sa online shopping.

Mahalagang tiyakin kung may lock icon sa address bar ang website dahil ito ang nagbibigay proteksiyon sa mga sensitibong impormasyon gaya ng credit card number, address, at password.

Dapat nagsisimula sa "https" ang URL ng isang website.

Kung maaari, hingin ang mga dokumentong nagpapatunay na rehistrado ang isang online shop para magbenta. Kabilang dito ang DTI registration o business permit.

Maaaring beripikahin sa website ng DTI ang mga DTI permit number.

Sa mga nagbebenta naman sa social media, maiging basahin ang mga review na ibinahagi ng ibang mamimili.

Hangga't maaari ay "cash on delivery" ang piliin ng paraan ng pagbayad.

Payo naman ni Mon Liboro, commissioner sa National Privacy Commission, huwag tangkilikin ang mga produkto ng isang tindahang hindi mapakgkakatiwalaan lalo na kung hinihikayat nito ang mamimiling magbigay ng personal at sensitibong impormasyon.

-- Ulat nina Jacque Manabat at Oman Bañez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.