Claudine Barretto, tinulungan ang isang lalaking biktima ng pamamaril

ABS-CBN News

Posted at Dec 27 2017 05:05 AM

Pinasakay umano ni Claudine Barretto sa kanyang sasakyan ang isang lalaking sugatan sa pamamaril sa Rizal.

Kwento ng mga kaanak ng biktimang si Abelardo Espela, pinasakay sila ng aktres matapos marinig na nagmakaawa at umiiyak sa isang ospital sa Marikina.

Hindi kasi umano tumatanggap ang ospital ng mga biktima ng pamamaril.

Kahit duguan, pinasakay ni Claudine si Espela at dinala sa isa pang ospital kung saan inoperahan agad ang biktima. 

May pinuntahan umano sa ospital si Claudine nang madatnan ang biktima.

Patay naman ang kasamahan ni Espela na kinilalang si Eldie Escalante.

Pinagbabaril ang dalawa ng hindi pa kilalang salarin sa hindi pa rin matukoy na dahilan. 

Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Claudine ukol sa insidente.- ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.