7 lalaki nag-Simbang Gabi nang may dalang itak | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
7 lalaki nag-Simbang Gabi nang may dalang itak

ABS-CBN News
Published Dec 21, 2017 11:36 AM PHT

Patalim, nakuha sa grupo ng kabataan na dumalo sa Simbang Gabi sa St. Peter’s Church sa Quezon City | via @jekkipascual pic.twitter.com/R43Idk1urK
— DZMM TeleRadyo (@DZMMTeleRadyo) December 20, 2017

MANILA - Dinampot ng pulis ang isang grupo ng mga kabataang nag-Simbang Gabi habang may dala umanong itak sa Quezon City, Huwebes.

Nadiskubre ang mga patalim nang pahintuin ng mga barangay tanod ang tricycle na sinakyan ng grupo matapos magsimba sa St. Peters Church sa Commonwealth Avenue.

Biglang tumakbo at nakatakas ang 2 sa kanila habang nahuli ang 5 iba pa.

Apat sa mga nahuli ay menor de edad. Kinilala naman ang kanilang 21-anyos na kasamahan na si Rommel Ignacio.

ADVERTISEMENT
Ani Ignacio, hindi niya kilala ang 2 nakatakas na lalaki.

Dumalo lang aniya ang kaniyang grupo sa Misa sa labas ng simbahan, bagama't aminado siyang karamihan sa kanila ay hindi Katoliko.

Posibleng may kaaway na gang ang mga kabataan kaya sila nagdala ng itak o hindi kaya'y may balak na mangholdap sa mga nag-Simbang Gabi, sabi ng barangay investigator na si Danilo Barrion.

Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT