Pagdarasal tuwing alas-6 ng gabi, isinusulong sa Baguio | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagdarasal tuwing alas-6 ng gabi, isinusulong sa Baguio

Pagdarasal tuwing alas-6 ng gabi, isinusulong sa Baguio

Justin Aguilar,

ABS-CBN News

Clipboard

BAGUIO CITY - Isinusulong ngayon sa Sangguniang Panlungsod ng Baguio ang panukalang “Prayer Ordinance” o ang pagbabalik sa nakaugalian noon ng mga taga-Baguio na saglit na paghinto at pagdarasal pagpatak ng alas-6 ng gabi kasabay ng pagkalembang ng kampana ng simbahan.

Akda ito ni Councilor Edgar Avila na naniniwalang magandang maibalik ang kaugalian na tanda raw ng pagkakaroon ng takot sa Diyos o may likha ng mga taga-Baguio.

“Sabi natin i-revive natin yung tradisyon natin. Tuwing alas-6, lahat na ng klaseng religion ay magpa-pause pa rin pero not only devoted to God but also to Allah,” ayon kay Avila.

Batay sa panukalang ordinansa, kasabay ng sirena ng city hall tuwing alas-6, hinihikayat ang publiko pati na mga motorista na huminto sa loob ng isang minuto para sabay-sabay na magdasal, anuman ang relihiyon.

ADVERTISEMENT

Suportado naman ito ng Simbahang Katolika. Ayon kay Msgr. Victor Bendico, bishop ng Diocese of Baguio, malaki ang maitutulong ng pagdarasal para sa kaligtasan at kapayapaan ng mga tao sa buong daigdig.

"I would say we have to, especially with the situation of our country now. I support that especially sa Angelus. Mas maganda nga kung yung mga tao ay hihinto tuwing 6 o' clock at magdasal ng Angelus or they go inside their homes and pray together with the family because the family that prays together, stays together,” ani Bishop Bendico.

Pero may agam-agam ang ilang lider ng Muslim community sa Baguio tulad ng pangulo ng Discover Islam Baguio na si Imam Bedejim Abdullah.

"We are taking it with reservation kasi pagkakaintindi ko, ayon sa ating Konstitusyon, ay hindi naman nararapat na magkaroon ng mga batas na magtatag mga relihiyon o pagsuporta dito. So I will say kung spiritual o religious ang purpose nito, siguro ang suggestion ko sa council, magkaroon ng public hearing,” ani Imam Abdullah.

Sasalang pa lang sa unang pagbasa ang nasabing panukala.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.