Sara Duterte, binigyan ng bonus ang mga traffic enforcers, street sweepers sa Davao | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sara Duterte, binigyan ng bonus ang mga traffic enforcers, street sweepers sa Davao

Sara Duterte, binigyan ng bonus ang mga traffic enforcers, street sweepers sa Davao

Hernel Tocmo,

ABS-CBN News

Clipboard

Pinangunahan ni Davao City Mayor Sara Duterte ang pamimigay ng mga gift pack at cash gift sa mga nagsisilbi sa lungsod Biyernes. Hernel Tocmo, ABS-CBN News

DAVAO CITY - Dumalo si Davao City Mayor Sara Duterte sa Christmas party sa Davao City Recreation Center at nanguna sa pamimigay ng gift packs at P2,000 regalo sa libo-libong traffic enforcers, street sweepers, garbage collectors, miyembro ng Bantay Dagat at Canal Brigade sa siyudad Biyernes.

Ayon kay Duterte, bukod sa P2,000 na pamasko, makakatanggap din ng isa pang bonus ang mga nagmamando ng trapiko at mga tagalinis ng lungsod.

"Mao ni ang mga employees sa city government nga lisod kaayo ang trabaho. Manglimpyo ug kanal, magkuha og basura. Magpainit, magpaulan atong mga enforcers. So duna ta'y gamay nga gihatag nga extra para sa ilahang Pasko, on top sa unsay madawat nila sa city government of Davao," sabi ng anak ng Pangulo.

(Sila ang mga empleyado ng city government na napakahirap ng trabaho. Naglilinis sila ng kanal, kumukuha ng basura. Naiinitan, nauulanan ang mga traffic enforcer. So mayroon tayong maliit na ekstrang binigay sa kanila ngayong Pasko, bukod sa natanggap nila.)

ADVERTISEMENT

Hindi binanggit ni Duterte kung magkano ang bonus na ibibigay sa mga street sweepers at traffic enforcers.

Ayon kay Jerry Coronica, isa sa mga naglilinis ng kanal para iwas-baha ang lungsod, mas nahihikayat sila ngayong magtrabaho dahil pinapahalagahan ang kanilang mga ginagawa.

"Wala namo gikaulaw among trabaho. Gipangmalaki namo bisan naa mi sa drainage," sabi ni Coronica.

(Hindi namin ikinahihiya ang aming trabaho. Ipinagmamalaki pa rin namin kahit nasa drainage department kami.)

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.