Nakatenggang barya, nagdudulot ng 'artificial shortage' | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Nakatenggang barya, nagdudulot ng 'artificial shortage'

ABS-CBN News
Published Dec 14, 2017 10:42 PM PHT

May artificial shortage o kakulangan ng umiikot na barya sa bansa dahil sa mga natetengga o naiipon lang at hindi nagagamit, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

May problema rin maging ang mga grupo ng supermarket sa suplay ng barya lalo na ang P5, P10, at maging P20 bill.

Ayon sa BSP, artificial shortage ang kakulangan sa barya dahil sapat naman ang suplay nito pero natetengga lang sa mga alkansiya, vending machines, o kaya ay nakatago sa mga bahay at opisina.

Marami rin umanong naiipon sa mga donation can na madalang naman anilang kuhanin ng mga charitable institutions.

ADVERTISEMENT
"Artificial shortage ang tawag natin kasi hindi bumabalik ang coins. If there are 100 million people in the country at kada isa, may isa lang piraso na coin, then 100 million coins are missing," ayon kay Grace Malic, deputy director ng BSP.

May maling gawi rin anila ang mga Pinoy kaya pahirapan ang barya na umiikot sa sistema.

"Kapag magpapatayo ng building, ginagawang lucky charm, mga piggy banks na tumatagal," ayon kay Malic.

Nagbigay naman ng mungkahi ang isang supermarket group para umikot sa sistema ang mga barya.

"Twice a month, BSP will remind people to check their houses of coins then clear then. For all you know 'yung kulang mong pambayad sa tubig or anumang kailangan mo, kasya doon sa coins mo," ayon kay Steven Cua, pangulo ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT