Ilegal na pagawaan ng paputok, nadiskubre sa Batangas | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilegal na pagawaan ng paputok, nadiskubre sa Batangas

Fay Virrey,
ABS-CBN News
Published Dec 14, 2017 10:19 PM PHT

Nadiskubre ng pulisya sa bayan ng Taal sa Batangas ang isang ilegal na pagawaan ng paputok Miyerkoles ng umaga.

Nasa 200 piraso ng gawa nang paputok, mga gamit sa paggawa ng paputok at iba pang materyales ang tumambad sa pulisya sa ikinasang operasyon.

Bagama't hindi naman bawal ang mga klase ng paputok na nakuha sa lugar, wala umanong kaukulang permit ang pagawaan kaya inaresto rin ang mga nagpapatakbo rito.

Malapit din umano sa residential area ang pagawaan at dahil walang sapat na inspeksiyon mula sa kinauukulan, maituturing na delikado ang pagawaan.

Arestado ang magkapatid na Berilo at AJ Asebuche na silang namamahala sa pagawaan.

Ayon sa dalawa, hindi umano nila ikinakatakot ang paggawa ng paputok kahit malapit sila sa iba pang bahay dahil sanay na sila.

Dagdag pa nila, bagama't alam nilang kailangan nilang magkaroon ng permit, tuwing Disyembre lamang naman umano sila gumagawa ng paputok kaya naisip nilang huwag nang sumunod sa patakaran.

"Dahil mahirap kumuha ng permit. Kailangan ng malaking pera doon, saka matagal ang lakad-lakad," ayon kay Berilo.

Haharap ang magkapatid sa kasong paglabag sa Republic Act 7183 o ang batas tungkol sa pagbebenta at paggawa ng paputok.

Mananatili namang nakapiit sa himpilan ng Taal Police ang dalawa.