Kotong enforcers, pwedeng isumbong gamit ang online i-ACT portal | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kotong enforcers, pwedeng isumbong gamit ang online i-ACT portal

Kotong enforcers, pwedeng isumbong gamit ang online i-ACT portal

Alex Calda,

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA – Maaari nang magsumbong sa inter-agency council on traffic (i-ACT) ang mga mahihingian ng lagay o "kotong" ng mga traffic enforcers, gamit ang isang online portal.


Inilunsad ng i-ACT Biyernes ng umaga ang “I Will Act” portal, isang online platform para sa mga nais magparating ng kanilang mga sumbong, ani Metro Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairman Thomas Orbos.

Ayon sa i-ACT, maliban sa mga enforcer na nanghihingi ng lagay, maaari rin umanong magsumbong dito ng iba’t ibang isyu tulad ng iligal na pagparada ng sasakyan, iligal na pagsakay at pagbaba ng pasahero ng mga pampasaherong sasakyan, maruming estero, bus na bukas ang pintuan habang tumatakbo, mga nakaharang sa bangketa, iligal na terminal ng pampasaherong sasakyan, overloaded na public utility vehicles, pinabayaang hukay sa kalsada, at iba pa.

May kampanya rin ang i-ACT laban sa mga pasaway na taxi driver, kaya’t maaari rin itong isumbong sa I Will Act portal.

ADVERTISEMENT

Ang mga magsusumbong ay kailangang magbigay ng kumpletong detalye ukol sa problema sa trapiko at iba pa, at siya rin ay obligadong humarap sa hearing, ayon sa i-ACT, bilang bahagi ng kaso na ihahain laban sa mga lumabag ng patakarang pantrapiko.

Para umano sa mga sumbong na hindi matutugunan ng i-ACT tulad ng mga barado at maruming estero, ipaparating anila ito sa Department of Interior and Local Government o sa Office of the Ombudsman.

Matatagpuan ang portal sa http://www.mmda.gov.ph/i-will-act.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.