Para sa SEA Games: Panghuhuli sa mga asong kalye, pinaigting sa Batangas | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Para sa SEA Games: Panghuhuli sa mga asong kalye, pinaigting sa Batangas

Para sa SEA Games: Panghuhuli sa mga asong kalye, pinaigting sa Batangas

Jonathan Vega Magistrado,

ABS-CBN News

Clipboard

Nagpatrol ang mga awtoridad ng bayan ng Laurel sa Batangas para sa mga asong gala, isang araw bago magsimula ang cycling events ng 30th SEA Games sa lugar.

LAUREL, Batangas—Isang araw bago magsimula ang cycling events para sa 30th SEA Games sa bansa, pinaigting ng pamahalaang lokal ng Laurel ang paghuhuli sa mga asong kalye.

Ito'y para maiwasan umano ang anumang aksidente na maaaring maidulot ng mga ito sa mga siklista na dadaan sa pangunahing lansangan ng bayan.

Sa Barangay Dayap Itaas, maagang sinuyod ng mga tanod ang 10 kilometrong bahagi ng Nasugbu-Tagaytay Highway para hulihin ang mga asong nakikita nila sa tabing-daan.

Hinihikayat nila ang mga residente na pansamantalang itali ang alagang mga aso kahit pa nasa loob ito ng bahay.

ADVERTISEMENT

Namigay din sila ng mga lubid na pantali.

May ilang residente na itinali na ang alagang aso mula ng mag-anunsiyo tungkol sa panghuhuli ang pamahalaan ng Laurel noong nakaraang mga linggo.

Samantala, nakatakdang mag-ensayo ngayong hapon sa downhill mountain bike race track sa Brgy. Niyugan ang mga siklista na kasama sa Games.

Pag-uusapan pa umano ang magiging plano kung sakaling maapektuhan ng paparating na bagyong Tisoy ang kumpetisyon.

Pero habang maganda pa ang panahon, ilang cycling teams tulad ng bansang Vietnam ang puspusan na sa pag-ensayo at pinapamilyar ang kanilang dadaanan sa kumpetisyon habang ini-escortan ng pulisya.

Base sa schedule, Linggo ng umaga gaganapin ang laban para sa Cycling Women's MTB XCO Finals‪ at‬ Men's MTB XCO Finals.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.