Bagong uwing OFW, tiklo matapos mangholdap sa Malate | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bagong uwing OFW, tiklo matapos mangholdap sa Malate

Lyza Aquino,
ABS-CBN News
Published Nov 29, 2017 09:18 AM PHT

Arestado ang isang bagong uwing overseas Filipino worker matapos itong kilalanin bilang isang holdaper ng isang babae sa Malate, Maynila, Miyerkoles.

Kinilala ang suspek na si John Paulo Almonte, na kakauwi lamang mula sa pagtratrabaho sa Dubai, United Arab Emirates.

Dating OFW, kalaboso matapos mangholdap ng call center agent sa Malate, Maynila | via @LyzaAquinoDZMM pic.twitter.com/FHvvIf4hJ5
— DZMM TeleRadyo (@DZMMTeleRadyo) November 28, 2017

Ayon sa salaysay ng biktimang si Jessica Labilles, naglalakad siya sa kanto ng P. Ocampo at Muñoz Street nang hablutin umano ng suspek ang kanyang sling bag.

Ayon kay Labilles, lumaban at nakaladkad pa siya ng holdaper bago tuluyang tinangay ang kanyang bag at sumakay sa isang motorsiklo.

ADVERTISEMENT
Naiwan ng suspek ang kanyang wallet kaya na-identify at natunton siya ng mga pulis.

Mahaharap sa kasong robbery si Almonte. Tinutugis pa ang kanyang kasabwat sa pagnanakaw.