Barkong galing Japan, sumadsad sa Cagayan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Barkong galing Japan, sumadsad sa Cagayan

Barkong galing Japan, sumadsad sa Cagayan

Danielle Rebollos,

ABS-CBN News

Clipboard

CAGAYAN - Sumadsad ang isang barko sa dalampasigan ng Sanchez Mira, Cagayan Lunes ng madaling araw.

Ayon kay Bonifacio Espiritu, substation administrator ng Task Force Lingkod Cagayan, galing Oieka, Japan at papunta sana ng Malaysia at Cambodia ang barkong na Salvage Titan. Hila-hila nito ang isang barge na may kargang crane.

Dahil sa malalakas na alon at masungit na panahon, napadpad ang barko sa karagatan ng Sanchez Mira hanggang sa tuluyang sumadsad sa dalampasigan ng Sitio Calingkingan sa Barangay Barzan, Sanchez Mira.

Pag-aari ng isang Taiwanese company ang barko pero pawang mga Pilipino ang kapitan at labing-apat nitong tripulante.

ADVERTISEMENT

Agad naman silang na-rescue ng mga otoridad at residente at wala namang naitalang nasaktan o nasugatan sa insidente.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.