'Panggigipit malamang': Noynoy, dinepensahan si Sereno | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Panggigipit malamang': Noynoy, dinepensahan si Sereno

ABS-CBN News
Published Nov 27, 2017 07:07 PM PHT
|
Updated Nov 27, 2017 09:53 PM PHT

Para kay dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III, isang paraan ng panggigipit ang pagsampa ng impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Binitiwan ni Aquino ang mga pahayag nitong Lunes kasabay ng paggunita sa Parañaque ng ika-85 anibersaryo ng kapanganakan ng kaniyang amang si Senator Ninoy Aquino II.

"Malamang," ani Aquino nang tanungin kung panggigipit ba ang reklamong inihain ni Atty. Lorenzo Gadon laban sa punong mahistrado.

"At the very least medyo nadi-distract si Chief Justice. Maraming mga issue sa harap ng Supreme Court. Baka may darating pang ibang issue na matindi na sana naka-concentrate ang Korte Suprema sa pagju-judge judiciously," paliwanag ni Aquino.

Para kay Aquino, magkaiba ang kaso ni Sereno sa kaso ng yumaong dating chief justice na si Renato Corona.

Matatandaang sumalang din si Corona sa impeachment trial noong panahon niya.

Nanggaling aniya ang ebidensiya mula mismo kay Corona, kabilang ang kaniyang statement of assets, liabilities and net worth, at hindi nadeklarang bank accounts.

Samantalang wala namang personal knowledge ang nag-aakusa laban kay Sereno.

"Hindi ako abogado pero kadalasan kapag nagtetestigo ka, kadalasan 'yan ang tinatanong, to the extent of and to the best of your personal knowledge," pahayag ni Aquino.

Nagpahayag si Aquino na handa siyang sagutin ang magiging paratang sa kaniya kasunod ng kautusan ng Department of Justice na silipin ang umano'y papel niya sa katiwalian kaugnay ng Disbursement Acceleration Program.

Tutol sa patakaran
Nagpahayag din ng pagtutol si Aquino sa ilang hakbang at patakaran ng kasalukuyang administrasyon, gaya ng pag-alok sa Tsina na pasukin ang industriya ng telecommunications sa bansa.

Nakasalalay umano ang pambansang seguridad dahil na rin sa umiiral na agawan sa teritoryo.

"Mahirap naman yata 'yong communications infrastructure mo sa potential na baka magkaroon tayo ng actual na conflict," aniya.

Tutol din umano siya sa inilulutang na revolutionary government.

Ani Aquino, lalahok siya sa anumang pagkilos laban sa revolutionary government pero wala siyang balak mamuno.

Iginiit din ni Aquino na wala siyang kinalaman sa anumang tangkang pabagsakin ang administrasyon.

-- Ulat ni Willard Cheng, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
politika
Sereno impeachment
Noynoy Aquino
Lourdes Sereno
TV Patrol
Willard Cheng
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT