Inakalang holdapan sa jeep sa Maynila, personal na alitan pala | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Inakalang holdapan sa jeep sa Maynila, personal na alitan pala

ABS-CBN News
Published Nov 18, 2019 05:50 PM PHT
|
Updated Nov 18, 2019 07:06 PM PHT

Nilinaw ngayong Lunes ni Manila Mayor Isko Moreno na personal na away, at hindi panghoholdap, ang nangyayari sa isang video na kumalat kamakailan sa social media.

Sa video, mapapanood ang isang lalaki nakasampa sa gilid ng isang umaandar na jeep sa may kanto ng United Nations Avenue at Taft Avenue. Kita rin sa video na sinasaktan ng lalaki ang isang pasahero.

Sa press conference, nilinaw ni Moreno, kasama ang Manila Police District, na hindi krimen ang insidenteng nakuhanan kundi umano ay pagresponde sa pambabastos sa babae.

"Maliwanag na hindi ito nakawan, snatching, o holdapping. Ito ay mga personal na alitan lamang," ani Moreno.
"Maliwanag na hindi ito nakawan, snatching, o holdapping. Ito ay mga personal na alitan lamang," ani Moreno.
ADVERTISEMENT
Kinilala ang lalaki sa video bilang si Jomar Alingod, na gumaganti lang umano sa taxi driver na tinangkang tumakas matapos hipuan ang kaibigan niyang babae.

Kalaunan ay pinatawad din ng babae ang taxi driver, ayon sa Manila police. -- Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
viral
holdap
Maynila
Manila Police District
Isko Moreno
viral video
jeep
pasahero
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT