Testigo sa kaso ng babaeng sinunog, hawak na ng pulisya | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Testigo sa kaso ng babaeng sinunog, hawak na ng pulisya

ABS-CBN News
Published Nov 14, 2017 10:15 PM PHT

May hawak nang testigo at sinusundang "lead" ang mga pulis sa kaso ng pagpaslang at pagsunog sa 23 anyos na babaeng empleyado ng bangko sa Pasig City.

Nitong Sabado, Nobyembre 11, nag-report sa mga pulis ang mag-asawang Reynaldo at Charito Cama na nawawala ang kanilang anak na si Mabel Cama.

Kuwento naman ni Antonio Dumagtoy, security guard sa compound sa Barangay Rosario, Pasig kung saan nakatira ang biktima, nakita pa niyang pumasok ng gate ang dalaga noong gabi ng Sabado.

Dagdag pa ni Dumagtoy, hindi na niya nakitang muling lumabas ang biktima. Wala rin siyang narinig na anumang sigaw o paghingi ng tulong sa magdamag.

Nitong Linggo, Nobyembre 12, nagpunta sa Pasig galing Quezon Province ang ama ng biktima.

Agad niyang hinanap ang anak sa loob ng compound na nagsisilbi ring garahe para sa ilang towing services at ilang kompanya ng bus.

Laking gulat ni Mang Reynaldo nang makita ang katawan ng anak sa loob ng isang abandonadong opisina.

Sinunog at posible pa umanong ginahasa ang biktima.

"Sabi ko, 'tao ito', doon na ako kinabahan, 'yon na nga, 'yon na nga ang anak ko," anang ama ng biktima.

"Karumal-dumal ang ginawa, hindi namin nakilala [ang anak ko]," anang ina ng dalaga.

Ayon sa pulisya, nakabukas ang blouse ni Mabel at nasa tabi niya ang kaniyang underwear at natanggal ang kaniyang paldang sinunog din.

"Ang lower extremities niya, sunog. 'Yong blouse niya, nakabukas. Underwear niya, nakahiwalay," ani Senior Insp. Roberto Garcia, hepe ng station investigation detection management branch ng Pasig City police.

Nawawala rin ang ilang gamit ng biktima.

Sa ngayon, may hawak nang testigo at sinusundang lead ang Pasig City Police.

Naniniwala silang may alam sa krimen ang mga trabahador na nasa loob ng compound.

"['Yong] iba pa naming witness na iniimbitahan para matulungan kami para maisampa namin ang kaso doon sa persons of interest namin... dalawa sila," ani Garcia.

Nananatili namang nakasara ang kabaong ng biktima dahil halos hindi na siya makilala.

Nakatakdang ibiyahe papuntang Camarines Norte ang kaniyang labi sa Huwebes, Nobyembre 16.

-- Ulat nina Bianca Dava at Oman Bañez, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT