Lider ng mga rally kontra ASEAN, kinasuhan ng pulisya | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lider ng mga rally kontra ASEAN, kinasuhan ng pulisya

ABS-CBN News
Published Nov 14, 2017 04:15 PM PHT
|
Updated Nov 14, 2017 04:27 PM PHT

Sinampahan ng Manila Police District (MPD) ng kaso ang ilang demonstrador dahil sa kinahantungan ng protesta sa T.M. Kalaw Avenue sa Maynila noong Linggo, Nobyembre 12.

Ayon kay MPD spokesperson, Superintendent Erwin Margalejo, sinampahan na nila ng kaso sa Manila Prosecutor's Office sina Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) Secretary General Renato Reyes, dating Bayan Muna Rep. Teddy Casiño at ang isang demonstrador na si Neil Legaspi.

Nahaharap ang mga kinasuhan sa reklamong illegal public assembly, breach of peace, assault upon an agent of authority at disobedience.

Tinangka umano ng mga demonstrador noong Linggo na buwagin ang barikada ng mga pulis para makalapit sa US Embassy at sa pinagdarausan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.

Nagkaroon ng gulo at marami ang nasaktan.

Balak din ng MPD na kasuhan ang mga pinuno ng mga grupong nagdaos ng protesta nitong Lunes, Nobyembre 13, sa may bahagi ng Taft Avenue at Padre Faura.

'Delikadong' sonic weapon
'Delikadong' sonic weapon
Samantala, pinag-aaralan din ng panig ng mga demonstrador ang pagsampa ng kaso sa mga pulis sa paggamit nila ng "sonic weapon" na Long Range Acoustic Device (LRAD) noong Lunes.

Sa panayam ng DZMM kay Renato Reyes nitong Martes, Nobyembre 14, iginiit nitong delikado ang paggamit sa Long Range Acoustic Device (LRAD) o sonic weapon dahil nagdudulot ito ng pinsala ng pandinig.

"Ito’y napakatining na tunog, high-pitched at masakit sa tainga. Tatama ito hindi lang sa nagra-rally, pati sa mga bystanders. Delikadong equipment ito," ani Reyes.

Itinanggi naman ito ni Chief Superintendent Oscar Albayalde, pinuno ng National Capital Region Police Office.

"Ang LRAD po ay non-fatal iyan, wala pong harmful effect... Ginagamit po iyan talaga kapag hindi mo na talaga makontrol ang mga raliyista kagaya kahapon," ani Albayalde sa panayam ng DZMM.

Tutuldukan ng mga demonstrador ang serye ng mga protesta kaugnay sa ASEAN Summit ngayong Martes sa Mendiola, Maynila.

'Babalik muli'
Samantala, muling magsasagawa ng kilos-protesta ang ilang grupo ngayong Martes kasabay ng pagtatapos ng ASEAN Summit.

Kabilang sa mga sasali sa protesta ang mga grupong Bayan, Gabriela, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas at Kadamay.

Nilinaw ng mga demonstrador na hindi na nila tatangkaing lumapit sa lugar na pinagdarausan ng ASEAN Summit.

Layunin ng mga protesta na kondenahin ang pagbisita ni US President Donald Trump at ang mga kasunduang pang-ekonomiya sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

Protesters throw symbolic coal rocks at Donald Trump tarp pic.twitter.com/eOqyXJSW0m
— Doris Bigornia (@DorisBigornia) November 14, 2017

Pagsulong sa coal industry, kinondena
Nagdaos din ng protesta ang grupong Sanlakas sa may P. Ocampo Street nitong Martes ng umaga.

Kinondena nila ang pagsulong ng mga bansang Amerika, Japan at Pilipinas sa coal industry na anila'y nakasasama sa kapaligiran.

Pinagbabato nila ng mga simbolikong uling ang larawan ng mga mukha nina Duterte, Trump, at Japanese Prime Minister Shinzo Abe.

Tumagal ng halos dalawang oras ang protesta bago lumisan ang mga demonstrador bandang tanghali.

-- May ulat nina Dennis Datu at Jeff Hernaez, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT