Babae, nahulog sa riles ng MRT; naputulan ng braso | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Babae, nahulog sa riles ng MRT; naputulan ng braso

Babae, nahulog sa riles ng MRT; naputulan ng braso

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 15, 2017 02:23 AM PHT

Clipboard

(UPDATED) Naputulan ng braso ang isang babaeng pasahero ng MRT-3 matapos itong mahagip ng tren, Martes ng hapon.

Tinukoy ni Transportation Undersecretary Cesar Chavez ang biktima bilang isang Angeline Fernando, 24 anyos.

"Nasa platform [ang biktima]... Nakasarado na 'yong tren, tapos umaandar na ang tren, nahilo [siya], nahulog sa pagitan ng pangalawa hanggang pangatlong bagon," ani Chavez. "May puwang doon, may space. So dito, nahulog, doon naputol [ang braso]."

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nauna nang sinabi ni Raffy Robles, MRT Ayala Station Supervisor, may isang babaeng pasahero na nahagip ng tren sa Ayala Station northbound 2:35 ng hapon.

ADVERTISEMENT

Aniya, batay sa kuha ng kanilang CCTV ay nakitang tila nahilo ang biktima at nalaglag sa mismong pagitan ng dalawang bagon na umaandar.

"Ang dinescribe sa'kin, na naputol 'yong braso malapit sa kilikili. At conscious 'yong babae no'ng dinala sa clinic... Nahiwalay 'yong kamay," ani Chavez.

Ayon kay Robles, nasa ligtas nang kalagayan ang pasahero.

Bumalik na sa normal ang operasyon ng MRT bago mag alas-kuwatro ng hapon.

Bago nito ay nagpatupad ang MRT ng provisional service mula North Avenue hanggang Shaw Boulevard Station. --Ulat ni Ron Lopez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.