Maria Isabel Lopez, 'pasaway' na gumamit ng ASEAN Lane | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Maria Isabel Lopez, 'pasaway' na gumamit ng ASEAN Lane

Maria Isabel Lopez, 'pasaway' na gumamit ng ASEAN Lane

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 12, 2017 07:08 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Video mula sa Facebook ni Maria Isabel Lopez

(2nd UPDATE) Perwisyo sa mga motorista ang matinding trapik dahil sa pagkakasara ng malaking bahagi ng EDSA para sa mga delegado ng ASEAN Summit.

Subalit ang aktres at beauty queen na si Maria Isabel Lopez, mas piniling sumuway sa mga patakaran upang makaiwas sa abala.

Sa mga posts na ibinahagi sa Facebook at Instagram, ikinuwento ni Lopez na tinanggal niya ang mga traffic cones na naghihiwalay sa ASEAN lane sa EDSA upang doon bumiyahe.

"MMDA thinks I’m an official ASEAN delegate. If you can’t beat ‘em, join them," isinulat ni Lopez sa caption.

ADVERTISEMENT

Umabot na sa 5,000 reactions at mahigit 4,000 shares ang Facebook post ni Isabel.

Ayon sa isa sa mga namamahala sa seguridad ng ASEAN na si Catalino Cuy, hindi dapat tularan ang ginawa ng dating Binibining Pilipinas-Universe na si Lopez.

Ayon kay Cuy, buhay at kaayusan ang nakasalalay sa pagsunod sa batas trapiko, lalo na sa panahon ng ASEAN Summit.

"We will not allow someone like her to simply put our plans to naught," dagdag pa ni Cuy.

Inamin naman ni Lopez na inurong niya ang mga barrier at pumasok sa ASEAN lane.

ADVERTISEMENT

"Ang mali ko lang na ginawa talaga is kinuha ko 'yung cone barrier, inurong ko siya tapos dumaan ako tapos lahat na rin ng mga nasa likuran ko, nai-stuck sa traffic, pumasok na rin ng ASEAN lanes," aniya.

Desidido naman ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na parusahan si Lopez dahil malinaw na paglabag ito sa seguridad at traffic rules kaugnay ng ASEAN Summit.

"We will now recommend to the Land Transportation Office the possible cancellation or suspension of Maria Isabel Lopez' driver's license," ani Celine Pialago, tagapagsalita ng MMDA.

Sinang-ayunan rin ng Department of Transportation (DOTr) ang panukala ng MMDA at Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) na kanselahin o suspendihin ang lisensiya ni Lopez.

"The DOTr leadership, under Secretary Arthur Tugade, fervently believes that no one is above the law, and that all violators should be held accountable for their actions. Government agencies concerned in traffic and transportation are one in implementing and enforcing rules and regulations concerning the use of roads and major thoroughfares, especially with the country hosting an international event, such as the ASEAN," paliwanag ng DOTr.

ADVERTISEMENT

"Ms. Lopez's actions, which she even posted on social media, does not only show a blatant disregard of traffic rules and regulations, but also puts at risk the Summit delegates and other persons who might replicate her actions," dagdag pa ng DOTr.

Kamakailan, naging bahagi si Lopez ng pelikulang "Ma 'Rosa" ni direktor Brillante Mendoza. Itinanghal na "Best Actress" si Jaclyn Jose sa 2016 Cannes Film Festival para sa naturang pelikula.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.