Tulay nasira ng baha sa S. Cotabato | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

News

Tulay nasira ng baha sa S. Cotabato

Tulay nasira ng baha sa S. Cotabato

Francis Canlas,

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 09, 2017 11:35 AM PHT

Clipboard

Makikita sa larawang ito ang nawasak na tulay sa Tupi. Larawan mula sa Lunen barangay council

TUPI, South Cotabato - Nasira ng rumaragasang ilog ang tulay sa Barangay Lunen sa bayang ito.

Sa kasagsagan ng malakas na ulan nitong Lunes, bumara sa ilalim ng tulay ang mga sanga, puno ng saging at kahoy kaya umapaw ang tubig sa ilog, kuwento ng residenteng si Marlyn Tanding.

Dahil dito, nasira aniya ang pundasyon ng tulay at umangat ang gitnang bahagi nito. Nagkaroon din aniya ng hukay sa bahaging nagdudugtong sa tulay at kalsada.

Binuhusan na ng lupa ang hukay kaya nakakadaan na rito ang mga residente.

ADVERTISEMENT

Pero pansamantalang solusyon lang ito dahil sira pa rin ang tulay at magiging peligrosong daanan kapag muling lumakas ang agos ng tubig sa ilog, ayon sa barangay kagawad na si Eddie Parok.

Maaapektuhan ang 1 sitio at 3 purok na may nasa 400 pamilya kapag tuluyang gumuho ang tulay. Hindi na rin maibababa ng mga magsasaka ang produkto nila sa merkado.

May plano na ang local na pamahalaan ng Tupi na palitan ang tulay, pero hindi pa ito nauumpisahan.

Bukod dito, may isa pang tulay sa kabilang purok na sira na rin ang pundasyon dahil sa baha.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.