Medical marijuana kinontra ng samahan ng mga doktor | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Medical marijuana kinontra ng samahan ng mga doktor

ABS-CBN News
Published Nov 07, 2017 11:40 AM PHT

MAYNILA - Kinontra ng isang samahan ng mga doktor ang panukalang gawing legal ang paggamit ng marijuana para sa panggagamot ng ilang karamdaman.

Ayon sa Philippine College of Physicians, ang paggamit ng marijuana ay maaaring magresulta sa diperensiya sa pag-iisip at adiksiyon sa alkohol at iba pang ilegal na droga.

Inilabas ng grupo ang pahayag matapos aprubahan ng komite sa Kamara nitong Setyembre ang panukalang gawing legal ang paggamit ng cannabis para sa mga pangangailangang medikal.

Sa ilalim ng panukalang "Philippine Compassionate Medical Cannabis Act", magtatatag ng "medical cannabis compassionate centers" na bibigyan ng lisensiya ng Department of Health.

ADVERTISEMENT
Batay sa pagsasaliksik ng Philippine Cannabis Compassion Society, nakakatulong ang medical marijuana sa mga may kondisyon tulad ng epilepsy.

Nilaw naman ng grupong mapanganib na droga paring itinuturing ang marijuana at hindi dapat gamitin bilang libangan.--ulat mula kay Jasmin Romero, ABS-CBN News