Mga residente ng Ilocos Norte, naghahanda na sa bagyong Lawin | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga residente ng Ilocos Norte, naghahanda na sa bagyong Lawin

Mga residente ng Ilocos Norte, naghahanda na sa bagyong Lawin

ABS-CBN News

Clipboard

Kasalukuyang nang makulimlim at malakas ang hangin na nararamdaman ng mga residente ng Ilocos Norte habang papalapit na ang bagyong Lawin sa kanilang lalawigan.

Sinimulan na ng mga magsasakang anihin ang mga tanim nilang palay bago pa man tumama ang bagyo.

Nagpatupad na rin ng preemptive evacuation sa ilang mga lugar, partikular na sa mga lugar na madalas binabaha, mga lugar na nakakaranas ng landslide, at mga lugar na malapit sa dagat.

Binabantayan rin ng lokal na pamahalaan ang mga bayan ng Dingras, Batac City, Pagudpud, Laoag, Paoay, Pasuquin at Bacarra para sa posibleng pinsalang dala ng bagyong Lawin.

ADVERTISEMENT

Kasalukuyang nakataas ang Tropical Cyclone Warning Signal no. 4 sa Ilocos Norte.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.