'ISIS recruiter' timbog sa Taguig | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'ISIS recruiter' timbog sa Taguig

'ISIS recruiter' timbog sa Taguig

Johnson Manabat,

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA - Iniharap sa media ng Department of Justice, Miyerkoles, ang isang 36-anyos na babaeng nanghikayat umano sa ilang dayuhan at Pilipino na umanib sa international terror group na Islamic State.

Naaresto ang suspek na si Karen Aizha Hamidon sa bahay nito sa Taguig City nitong October 11 sa bisa ng isang search warrant.

Ayon sa National Bureau of Investigation, naging person of interest si Hamidon noong kalagitnaan ng 2016 matapos itong makahikayat ng ilang Indian nationals na pumunta sa Pilipinas para sumali sa radical groups sa Mindanao.

Nahanap umano sa cellphone ni Hamidon ang 296 online posts nito nang ukol sa recruitment ng mga bagong miyembro ng ISIS at pagsusulong ng rebelyon sa Marawi.

ADVERTISEMENT

Sinampahan na si Hamidon ng 14 counts ng inciting to rebellion kaugnay ng Cybercrime Prevention Act of 2012.

Sinasabing asawa si Hamidon ni Mohhamad Jaafar Maguid alyas "Tokboy" at "Abu Sharifa", na itinuturong lider ng Ansar Khalifa Philippines na responsable sa pambobomba sa Davao City night market noong December 2016.

Naging maybahay din umano si Hamidon ng Singaporean na si Muhammad Shamin Mohammed Sidek na konektado rin sa ISIS.

Nakapiit si Hamidon sa detention facility ng NBI Headquarters sa Maynila.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.