'ISIS recruiter' na nahuli sa Taguig, misis ng Davao bombing suspek? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'ISIS recruiter' na nahuli sa Taguig, misis ng Davao bombing suspek?

'ISIS recruiter' na nahuli sa Taguig, misis ng Davao bombing suspek?

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 18, 2017 08:48 PM PHT

Clipboard

Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang babae dahil sa panghikayat umano nito sa mga banyagang terorista na umanib sa Maute sa pakikipagbakbakan sa Marawi.

Iniharap ng NBI nitong Miyerkoles ng umaga sa publiko si Karen Aizah Hamidon, 36 anyos, na nahuli noong nakaraang linggo sa Taguig.

Binantayan kasi ng ahensiya ang kaniyang mga mensahe noong Setyembre na pinadala sa online messaging app na WhatsApp at Telegram.

Pinadala ang mga mensahe sa mga bansang India, Australia, Indonesia at Amerika.

ADVERTISEMENT

Nanghikayat umano siya ng mga banyagang terorista na makiisa sa grupong Maute sa Marawi.

Hindi pa masabi kung miyembro ng Maute Group si Hamidon, na taga-Zamboanga.

Pero ang babae, dati raw asawa ni Muhammad Shamin Mohammed Sidek, isang Singaporean na nakulong dahil sa pakikipag-ugnayan sa international terror group na Islamic State.

Asawa rin umano siya ni Mohammad Jaafar Maguid na salarin umano ng Davao blast noong isang taon.

Sasailalim sa forensic examination ang cellphone at laptop ni Hamidon.

Iniimbestigahan pa kung recruit ni Hamidon ang mga banyagang lumaban sa Marawi.

Noong Abril, nahuli ang mag-asawang Syrian at Kuwaiti na miyembro umano ng Islamic State na sina Rahaf Zina at Husayn Al Dhafiri.

Mayo naman nang mahuli si Russel Salic na itinuturong financier o tagapondo ng ilang terorista.

Hindi pa matukoy kung konektado si Hamidon sa kanila.

-- Ulat ni Niko Baua, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.