San Roque Dam, malapit na sa spilling level | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

San Roque Dam, malapit na sa spilling level

San Roque Dam, malapit na sa spilling level

Joanna Tacason,

ABS-CBN News

Clipboard

Malapit na sa spilling level na 280 meters above sea level ang San Roque Dam sa Pangasinan. Umabot na ito sa 278.5 meters above sea level matapos saluhin ang tubig mula sa Ambuklao at Binga Dam sa Benguet. Kuha ni Joanna Tacason, ABS-CBN News

SAN MANUEL PANGASINAN - Umabot na sa 278.5 meters above sea level ang water elevation ng San Roque Dam matapos nitong saluhin ang tubig na inilalabas ng Ambuklao at Binga Dam sa Benguet.

Ayon sa Agno Flood Forecasting and Warning System ng SRPC, 280 meters above sea level (masl) ang spiling level ng San Roque Dam.
Kaya naman mahigpit na minomonitor ngayon ang intake ng tubig mula sa dalawang dam sa Benguet.

Kung sakaling abutin nito ang 280 masl spilling level, maglalabas na ng tubig ang San Roque Dam ayon na rin sa protocol.

Nilinaw naman ng Agno Flood Forecasting ang Warning System na unti-unti ang pagbubukas ng spillway gates at hindi isasabay ang 6 na spillway gates.

ADVERTISEMENT

Nakataas naman na ang "must-run status" sa San Roque Power Corp. (SRPC) mula Linggo, kung saan maglalabas sila ng tubig ang tatlong turbina para makalikha ng hindi bababa sa 400 megawatts na kuryente.

Pinaghahandaan naman ngayon ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ang paparating na Bagyong Lawin.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.