ALAMIN: Mga rutang apektado ng ASEAN convoy dry run sa Oktubre 15

ABS-CBN News

Posted at Oct 12 2017 11:40 AM

Nag-abiso ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at iba pang ahensiya ng pamahalaan sa matinding trapikong maaaring idulot ng nakatakdang convoy dry run sa Oktubre 15.

Bahagi ang convoy dry run sa mga paghahanda para sa 31st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Nobyembre.

Kabilang sa mga maaapektuhang ruta ang mga sumusunod:

  • Southbound lanes ng Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX)
  • North Luzon Expressway (NLEX)
  • South Luzon Expressway (SLEX) Skyway
  • EDSA
  • Buendia Extension
  • J. W. Diokno Boulevard
  • Roxas Boulevard

Apektado rin ang ilang kalsada sa Makati, Taguig, Pasay at Maynila.

Hinikayat ni Emmanuel Miro ng MMDA ang publiko na iwasan ang mga apektadong kalsada at maghanap ng mga alternatibong ruta.

Humingi ng paumanhin at pag-unawa si Miro sa publiko dahil sa perhuwisyong idinudulot ng mga pagsasara ng daan.

Malaki kasi umanong hamon ang pagpapaigting ng mahigpit na seguridad sa darating na ASEAN summit.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.