Bitak sa lupa sa Shrine Hills, pinangangambahang magdulot ng landslide | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bitak sa lupa sa Shrine Hills, pinangangambahang magdulot ng landslide

Bitak sa lupa sa Shrine Hills, pinangangambahang magdulot ng landslide

Claire Cornelio,

ABS-CBN News

Clipboard

DAVAO CITY – Nangangamba ang mga residente ng Shrine Hills sa Davao City sa mga nadiskubre nilang mga bitak sa lupa na posibleng magdulot ng landslide sa lugar.

Nababahala ang caretaker ng Seventh Day Adventist na si Rex Cojano dahil malalaki na ang bitak sa lupa na makikita sa kanilang building at sa baptistry pool.

"Nababahala kasi delikado na, di na kami pinahihintulutan na matulog dito," sabi ni Cojano.

Ayon sa Department of Public Works and Highways XI, ang pagharang ng natural na daanan ng tubig at pag-divert nito sa ibang daanan papunta sa kanilang project site ang nagdulot ng mga bitak na peligro sa landslide.

ADVERTISEMENT

Ikinalulungkot naman ng Save Davao Shrine Hills Advocates ang nangyari. Matagal na nilang ikinakampanya na pigilan na ang anumang development sa bundok upang mapreserba ang lugar.

Taong 2013, isinailalim sa Urban Ecological Enhancement Subzone ang Shrine Hills sa pamamagitan ng resolusyon ng konseho.

Samantala, pinapalipat na ng ibang lugar ang mga residente na posibleng maapektuhan sa paguho ng lupa.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.