Health professionals, umalmang huwag 'i-hostage' ang DOH budget | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Health professionals, umalmang huwag 'i-hostage' ang DOH budget

Health professionals, umalmang huwag 'i-hostage' ang DOH budget

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA-- Umaapila ang ilang health professionals sa mga mambabatas ng mababang kapulungan na huwag i-hostage ang budget ng Department of Health (DOH) dahil lang sa pagtanggi nito na palawakin pa ang dengue vaccination program ng ahensya.

Sa ginanap na DOH budget hearing noong Setyembre, sinabi raw ng ilang mga mambabatas sa pangunguna ni Cebu Congresswoman Gwen Garcia, na hindi ipapasa ang DOH budget kung hindi isasama ang alokasyon para sa implementasyon ng mas malawakang dengue vaccine program.

Nauna nang sinabi ng DOH na itutuloy na lamang ang 2nd at 3rd doses ng vaccine para sa halos 500,000 na batang nabigyan na ng unang dose pero hindi na ito dadagdagan pa ng iba pang batch ng mga batang tuturukan ng bakuna hanggat hindi nasisiguro ng ahensya na ligtas ito.

Ito ang naging desisyon ng DOH batay na rin sa rekomedasyon ng panel of experts na kanilang binuo. Naniniwala kasi ang mga ekperto na posibleng may long-term at short-term side effects ang bakuna kaya't kailangan pa nito nang mas masusing pag-aaral.

ADVERTISEMENT

Iginigiit naman ng mga mambabatas, kailangan ng kanilang constituents ang vaccine.

Sasalang muli sa kongreso ang budget ng DOH sa Martes.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.