Tubo ng Maynilad nasira; tubig bumulwak sa kalsada | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Tubo ng Maynilad nasira; tubig bumulwak sa kalsada

Kristine Sabillo,
ABS-CBN News
Published Sep 28, 2017 08:41 AM PHT
|
Updated Sep 28, 2017 10:46 AM PHT

MAYNILA - Bumulwak ang tubig mula sa main pipe ng Maynilad sa tapat ng Freedom Hills Subdivision sa Muntinlupa City.

Nagsimula umano ang tagas sa tubo ng tubig sa bahagi ng national road maghahatinggabi ng Huwebes.

Inaasahang maapektuhan ng tagas ang libo-libong residente sa lugar.

Ayon sa mga nakatira sa Freedom Hills Subdivision, mahina na ang dating ng tubig sa kanilang mga bahay.
Ayon sa mga nakatira sa Freedom Hills Subdivision, mahina na ang dating ng tubig sa kanilang mga bahay.
ADVERTISEMENT
Ang ilan sa kanila, nagsimula nang mag-imbak ng tubig mula sa poso doon.

Hinala ng barangay ay manipis ang semento at mababaw ang pagkakalatag ng tubig kaya madali itong nasira.

Bago nasira ang pipe, tuloy-tuloy ang pasok ng mga trak at cement mixer sa subdivision kung saan ginagawa ang isang paaralan.

Hindi daw ito ang unang beses na nasiraan ng pipe at nawalan ng tubig ang mga residente.

Ayon sa isang residente, dati nang may bumigay na tubo ng Maynilad sa loob ng subdivision.

Inabot ng dalawang linggo bago naibalik ang serbisyo ng tubig sa lugar.

Alas-3:00 ng madaling araw naman dumating ang mga tauhan ng Maynilad para kumpunihin ang sirang tubo.