P11-M halaga ng troso, nakumpiska sa Southern Leyte | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

P11-M halaga ng troso, nakumpiska sa Southern Leyte

P11-M halaga ng troso, nakumpiska sa Southern Leyte

Ranulfo Docdocan,

ABS-CBN News

Clipboard

Aabot sa P11 milyon na halaga ng troso galing San Jose Mondragon, Northern Samar ang nakumpiska ng mga otoridad sa Liloan Port sa Southern Leyte.

Ayon sa impormasyon, sakay sa apat na wheeler truck ang mga kahoy na ibibiyahe na sana patungong Butuan City nang masita ito ng Enforcement Division ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Regional Office 8, kasama ang mga kinatawan ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard.

Isinagawa ang operasyon noong September 12, 2016.

Ayon Kay Carlito Tuballa, Assistant Regional Director for Technical Service ng DENR Regional Office, kulang sa mga kaukulang dokumento ang mga ibibiyahe sanang mga kahoy kaya hinuli ito.

ADVERTISEMENT

Dahil puno ang opisina ng DENR Regional Office ng mga nakumpiskang mga kahoy, inilagay sa Philippine Navy Compound sa Tacloban ang mga nakumpiskang troso habang nakatakdang magsagawa ng administrative proceedings ang DENR kung saan ipapatawag ang may-ari ng mga kahoy kasama na ang CENRO officer ng Catarman.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.