Barangay, isinailalim sa state of calamity dahil sa pagguho ng lupa | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Barangay, isinailalim sa state of calamity dahil sa pagguho ng lupa

Chai Tabunaway,
ABS-CBN News
Published Sep 25, 2017 03:45 PM PHT

SOUTH COTABATO - Nagdeklara na ng state of calamity ang mga opisyal ng Barangay Palian sa bayan ng Tupi kasunod ng pagbaha at pagguho ng lupa sa lugar bunsod ng sunod sunod na pag-ulan.

Butas ngayon ang malaking bahagi ng daanan sa Purok Salaguidan matapos gumuho ang lupa dahil sa pagragasa ng baha dala ng malakas na buhos ng ulan Linggo ng gabi.

May lawak itong 24 na metro at may lalim na 15 metro, o kasinghaba ng isang puno ng niyog.

Ayon sa kapitan ng barangay, nag-umpisang gumuho ang lupa dahil sa walang humpay na pag-ulan sa bayan. Binabaha rin ang lugar kaya tuluyang lumawak at lumalim ang butas.

ADVERTISEMENT
Wala namang nasaktan sa nangyari pero apektado ang transportasyon ng mga produkto sa kanilang barangay.

Dahil dito, nagdeklara na ng state of calamity sa barangay para ipaayos ang kalsada at ipambayad sa may-ari ng maisan kung saan muna pinadadaan ang mga sasakyan.

Ayon kay Engr. Montazer Latip, nasa 8 metro ang gumuhong bahagi ng kalsada. Lalagyan umano nila ito ng gabion at tatambakan ng lupa.

Samantala, nakaranas rin ng malakas na pag-ulan sa General Santos City Linggo.

Paliwanag ng PAG-ASA, ang naranasang malakas na buhos ng ulan at bugso ng hangin ay dulot ng low pressure area na huling namataan sa layong 245 kilometro, silangan timog silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Asahan pa rin umano ang panaka-naka hanggang katamtaman at malalakas na ulan dala pa rin ng low pressure area.

Nag-abiso rin ang ahensiya sa mga nakatira sa mga itinuturing na danger zones na maging alerto sa lahat ng oras.