2 araw na tigil-pasada, magsisimula na bukas | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 araw na tigil-pasada, magsisimula na bukas

2 araw na tigil-pasada, magsisimula na bukas

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 24, 2017 08:37 PM PHT

Clipboard

Nakatakdang magdaos ng dalawang araw na tigil-pasada ang mga jeepney driver mula sa Metro Manila at ilang kalapit na probinsya simula Lunes, Setyembre 25.

Ito'y upang kondenahin ang phaseout ng mga lumang jeepney sa 2018, kaugnay sa plano ng pamahalaan na maglabas ng mga makabagong jeepney.

Pangungunahan ng Stop and Go Coalition ang tigil-pasada.

Iginiit ni Jun Magno, pangulo ng Stop and Go Coalition, mas mabuting ipaayos o i-rehab na lang ng mga driver at operator ang mga nabubulok na jeep sa halip na phaseout.

ADVERTISEMENT

Tiniyak ni Magno na hindi nila haharangin ang mga jeep na hindi makikiisa sa protesta.

Ayon naman kay Aileen Lizada, tagapagsalita ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), naghahanda na ang pamahalaan upang tulungan ang mga driver at operator na maaapektuhang ng modernization program.

Maglalabas din umano ng show cause order ang LTFRB sa mga makikiisa sa tigil-pasada.

Una nang nag-protesta ang mga jeepney driver noong Setyembre 6 laban sa panukalang public utility vehicle modernization program.

Samantala, ilang lugar na rin ang nagsuspende ng pasok dahil sa jeepney strike.

-- May ulat ni Kevin Manalo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.