Pulis-Caloocan na sinaksak ng drug suspek, pinarangalan ni 'Bato' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pulis-Caloocan na sinaksak ng drug suspek, pinarangalan ni 'Bato'

Pulis-Caloocan na sinaksak ng drug suspek, pinarangalan ni 'Bato'

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA - Ginawaran ng parangal Huwebes ni Philippine National Police chief Director General Ronald Dela Rosa ang isang pulis na sinaksak ng hinahabol na drug suspek sa Bagong Barrio, Caloocan.

Binigyan ng medalya ni Dela Rosa si PO1 Ronald Anicete nang dalawin niya ito sa Chinese General Hospital.

Inirekomenda rin ng PNP chief na ma-promote ng ranggo si Anicete dahil sa kabayanihang ipinakita.

Patunay aniya si Anicente na hindi lahat ng pulis-Caloocan ay may kalokohan.

ADVERTISEMENT

Una nang sinibak sa puwesto ang buong puwersa ng Caloocan police matapos madawit ang ilang kawani nito sa pagkamatay ng mga teenager na sina Kian Loyd Delos Santos at Carl Angelo Arnaiz.

Nasawi si Delos Santos at Arnaiz matapos umanong manlaban sa mga pulis sa magkahiwalay na operasyon nitong Agosto. Kapwa umano sila nakuhanan ng ilegal na droga.

Hindi pa malinaw ang kinahinatnan ng 14-anyos na si Reynaldo De Guzman, na kasama umano ni Arnaiz nang umalis sa bahay sa Cainta, Rizal noong Agosto 17.

Inilibing ng pamilya ni De Guzman ang isang bangkay na nahanap sa Nueva Ecija kahit pa napag-alaman sa autopsy na hindi sa binatilyo ang mga naturang labi.

Ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.