TINGNAN: Bahagi ng Katipunan sa QC, binaha sa biglaang pag-ulan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
TINGNAN: Bahagi ng Katipunan sa QC, binaha sa biglaang pag-ulan

ABS-CBN News
Published Sep 20, 2017 07:57 PM PHT

Binaha ang bahagi ng Katipunan sa Quezon City kasunod ng thunderstorm, o biglaang ulang sinabayan ng kulog at kidlat, nitong Miyerkoles ng hapon.

Pasado alas-2 ng hapon nang magbigay ng abiso ang PAGASA tungkol sa thunderstorm na makaaapekto sa Metro Manila at ilang karatig-lugar.

Nakuhanan ng mga retrato at video ni Bayan Patroller Mark Tinio ang sitwasyon sa Katipunan Road, Quezon City, kung saan hanggang hita na ang baha dulot ng pag-ulan, pasado alas-4 ng hapon.

Makikita rin sa isang retrato na lumutang na ang mga plastic barrier sa kalsada, at mabagal na rin ang usad ng trapiko dahil sa pagbaha.

Umabot naman hanggang hita ang baha sa C.P Garcia Avenue papuntang Katipunan Avenue, dahil sa malakas na ulan. Nakuhanan ni Bayan Patroller Deanne Caingat ang sitwasyon bandang alas-4 ng hapon.