'Paghakot' ng raliyista sa martial law anniversary, iniimbestigahan: PNP | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Paghakot' ng raliyista sa martial law anniversary, iniimbestigahan: PNP

'Paghakot' ng raliyista sa martial law anniversary, iniimbestigahan: PNP

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA - Inanunsyo ng Philippine National Police (PNP) Miyerkoles na iniimbestigahan nito ang ulat na mayroong grupong naghakot ng mga residente mula Visayas at Mindanao para sumama sa malawakang kilos-protesta sa Huwebes.

"Bina-validate pa namin ang information na nag-hire daw sila ng 6 na barko para kargahan ng mga galing sa Mindanao at Visayas para pumunta rito," sabi ni PNP chief General Ronald Dela Rosa sa mga reporter.

"Expected naman natin iyan. Hirap silang kumuha ng mga tao sa Luzon area. Ang mga kinukuha nila ay iyung madali nila mauto."

Dagdag ni Dela Rosa, binabantayan ng pulisya ang posibleng paghalo ng mga komunistang rebelde sa mga magpoprotesta.

ADVERTISEMENT

Una nang idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang "National Day of Protest" ang Seyembre 21, ika-45 anibersaryo ng pagdeklara ng martial law ni Pangulong Ferdinand Marcos.

Sinuspinde rin ni Duterte ang pasok sa mga pampublikong opisina at paaralan sa Huwebes.

Inaasahang 100,000 katao ang dadalo sa protesta sa Luneta Park sa Maynila, ayon kay Movement Against Tyranny Convener Teddy Casiño.

Nangako si Dela Rosa na magpapatupad ang PNP ng maximum tolerance sa pagtitipon.

Pero pakiusap niya sa mga lalahok dito, "Huwag lang silang manakit ng kapwa, huwag lang mangharang sa mga motorista at huwag lang manggiba at mang-damageng properties."

-- May ulat nina Henry Atuelan at Maan Macapagal, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.