Lalaking nagdala sa ospital kay 'Atio', primary suspect na | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaking nagdala sa ospital kay 'Atio', primary suspect na

Dennis Datu,
ABS-CBN News
Published Sep 20, 2017 12:20 PM PHT
|
Updated Sep 20, 2017 12:44 PM PHT

Itinuturing primary suspect na ngayon ng Manila Police District ang lalaking nakakita at nagdala sa bangkay ng hazing victim na si Horacio 'Atio' Castillo III sa ospital.

Kinumpirma ni MPD District Director, Supt. Joel Coronel na nagbigay ng mali-maling impormasyon si John Paul Solano sa mga imbestigador nang ito’y imbestigahan

Sinasabi niyang hindi niya kilala si Castillo pero base sa kuha ng CCTV, nakitang magkasama sila ni Castillo at iba pang frat members nang lumabas habang naglalakad sa may Dapitan Street sa Sampaloc, Maynila.

Ayon sa MPD, nakumpirma sa kuha ng CCTV na kakilala ni John Paul Solano noon pa ang biktimang si Atio Castillo, taliwas sa naunang pahayag. pic.twitter.com/UhRWodKQvc
— ABS-CBN News (@ABSCBNNews) September 20, 2017

Ikinasa na ngayon ang manhunt operation laban sa kanya.
Ikinasa na ngayon ang manhunt operation laban sa kanya.
ADVERTISEMENT
Napagalaman din na siya ay miyembro ng Aegis Juris Fraternity at siya din ang nag-recruit kay Castillo na maging miyembro ng naturang fraternity.

Iprinisinta na ngayon ng MPD sa media ang mga kuha ng CCTV at larawan ni Solano na nakasuot pa ng t-shirt na may tatak na Aegis Juris Fraternity.