Halos 5,000 trabahador, kailangan sa Qatar; mahigit P80,000 sahod, alok sa mga electrician | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Halos 5,000 trabahador, kailangan sa Qatar; mahigit P80,000 sahod, alok sa mga electrician

Halos 5,000 trabahador, kailangan sa Qatar; mahigit P80,000 sahod, alok sa mga electrician

ABS-CBN News

Clipboard

Halos 5,000 trabaho sa bansang Qatar ang bukas para sa mga manggagawang Pinoy, ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Paliwanag ng POEA, hindi pa rin natitinag ang ekonomiya ng Qatar sa kabila ng patuloy na "diplomatic crisis" nito sa iba pang bansa sa Gitnang Silangan.

Kabilang sa mga trabahong bukas sa Qatar ang mga sumusunod:

  • Nurse - 1,882
  • Electrician/ship electrician - 1,389
  • Mechanical engineer – 497
  • Carpenter – 313
  • Laborer – 266
  • Mason – 220
  • Welder – 151
  • Foreman – 61
  • Mechanic – 61
  • Plasterer – 24

Bukod sa mga posisyong ito, marami pang ibang job opening sa Qatar na kung susumahin ay 4,875, ayon sa POEA official website.

Ang welder na si Ronald Gabing, naghahanap ngayon ng oportunidad sa Qatar matapos malugi ang itinayong negosyo na naipundar niya sa apat na taong pagtatrabaho sa Saudi Arabia.

ADVERTISEMENT

Malaking bentahe sa kaniya ang karanasan bilang welder dahil isa ito sa mga in-demand ngayon sa Qatar.

Nasa 1,700 Qatari rials o mahigit P23,000 ang alok na suweldo para sa mga welder at iba pang construction worker.

Mahigit P80,000 o 6,000 Qatari rials naman ang sahod kapag mechanical engineer o electrician.

Pinaka-in demand pa rin ang nurses na maaaring sumahod ng 3,200 Qatari rials o P40,000 pataas.

Ayon pa sa POEA, tuloy-tuloy ang pagkakaroon ng job opening sa Qatar dahil kaliwa't kanan ang mga proyekto doon bunsod ng pagiging host ng Qatar ng Fifa World Cup sa 2022.

Sa kabila nito, marami ang nangamba na matitigil ang mga proyekto dulot ng pagputol ng Saudi Arabia at apat pang Gulf countries ng diplomatic at economic ties sa Qatar.

Hindi pa rin nareresolba ang isyu na nagsimula pa noong Hunyo.

Pero ayon sa POEA, mukhang hindi apektado ang ekonomiya ng Qatar kung pagbabasehan ang dami ng job openings sa bansa.

Paalala naman ng POEA, hindi na kailangang pumunta pa sa kanilang opisina ang mga aplikante para sa Qatar jobs dahil makikita ang lahat ng ito sa kanilang website.

Nakalagay din sa www.poea.gov.ph kung sino-sino ang mga accredited recruitment agency na humahawak sa mga job order.

-- Ulat nina Zen Hernandez at Oman Bañez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.