Law student, nasawi sa atake sa puso; pamilya, kumbinsidong dahil ito sa hazing | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Law student, nasawi sa atake sa puso; pamilya, kumbinsidong dahil ito sa hazing

ABS-CBN News
Published Sep 18, 2017 10:28 PM PHT
|
Updated Sep 19, 2017 09:21 AM PHT

- Mga opisyal at miyembro ng Aegis Juris, sinuspende kasunod ng pagkamatay ng law student
- Opisyal ng barangay, duda kung talagang natagpuan sa bangketa ang bangkay
- Nagpakilalang nakakita sa bangkay, ayaw humarap sa news team

Hindi pa rin matanggap ng mag-asawang Horacio Castillo, Jr. at Carmina Castillo na bangkay na nilang masisilayan ang kanilang panganay na anak na si Horacio Tomas Castillo III, isang law student sa University of Santo Tomas (UST).

Natagpuan umano ang 22 anyos na si Horacio, alyas "Atio" na nakabalot ng puting kumot sa isang bangketa sa Balut, Tondo sa Maynila.

Hinihinalang biktima ng hazing si Castillo.

Anila, nitong Sabado, Setyembre 16, nagpaalam ang anak na dadalo sa welcome ceremonies ng Aegis Juris, na umano'y opisyal na fraternity sa UST.

Kinabahan na ang pamilya nang hindi na nagparamdam kinabukasan ang anak.

Pasado ala-1 ng madaling araw nitong Lunes, Setyembre 18, nakatanggap ang mag-asawa ng anonymous text message na nagsasabing nasa Chinese General Hospital na ang kanilang anak at wala nang buhay.

Hustisya ngayon ang hiling ng pamilya Castillo.

Bumuhos ang pakikiramay
Ayon sa mga kaanak at malalapit na kaibigan, masayahin, mahilig magpatawa, palakaibigan at magalang si Castillo.

Masipag din sa pag-aaral at mga gawain sa eskuwelahan.

Naging miyembro ng student council si Castillo nang siya'y kumukuha pa ng kaniyang kursong undergraduate na political science sa UST.

Ayon sa ama, pangarap ni Castillo na mapabilang sa isa sa mga abogado sa Korte Suprema.

Mahilig din si Castillo maglabas ng saloobin hinggil sa mga isyung panlipunan, gaya ng isang Facebook post niyang naghahayag ng pagtutol sa mga extrajudicial killings kaugnay ng giyera kontra droga.

Bumuhos sa Facebook account ni Castillo ang pakikiramay.

May Facebook account din na ginawa para sa paghingi ng hustisya sa kaniyang kamatayan. Dito inilabas ng mga kaibigan ni Castillo ang sama ng loob, lalo na sa mga umano'y nasa likod ng kaniyang pagkamatay.

Hiling din ng mga kaibigan ni Castillo ang agarang pagsuko ng mga salarin.

Sanhi ng pagkamatay
Batay sa paunang ulat ng Manila Police District (MPD) Homicide Division, pasado alas-7 ng umaga ng Linggo nakita ng nagpakilalang si John Paul Sarte Solano ang katawan ni Castillo sa bangketa.

Siya rin ang nagdala sa biktima sa Chinese General Hopsital pero idineklarang dead on arrival si Castillo.

Tila duda naman sa kuwento ni Solano ang kagawad na si Daniel Sayson.

Ani Sayson, tiyak na dudumugin ng mga residente ang bangketa kung talagang may patay ngang nakita roon. Pero hindi naman daw ito nangyari.

Dagdag pa ni Sayson, malabong sa Chinese General Hospital itakbo ang biktima dahil mas malapit ang Tondo General Hospital sa kanilang barangay.

Sinubukan ng ABS-CBN na puntahan si Solano sa San Lazaro Hospital pero tumanggi siyang humarap sa camera.

Ayon sa opisyal na ulat ng MPD, cardiac arrest o atake sa puso ang ikinamatay ng biktima. Mayroon din siyang hematoma o namuong dugo sa dalawang braso.

Kumbinsido ang mga magulang ni Castillo na hazing ang ikinamatay ng anak dahil sa matinding pamamaga ng braso, mga pasa, at paso ng kandila sa katawan.

UST Faculty of Civil Law: All the officers and members of the Aegis JurisFraternity have been placed under preventive suspension. pic.twitter.com/xfrMT1E4Ug

— ABS-CBN News (@ABSCBNNews) September 18, 2017

Kinondena ng UST Faculty of Civil Law ang insidente.

Sa isang pahayag, isinaad nilang mananagot ang mga dawit sa krimen.

Bukod sa pagsuspende sa mga opisyal at miyembro ng Aegis Juris, pinagbawalan na rin silang pumasok sa campus at dumalo sa mga klase habang gumugulong ang imbestigasyon.

Sa pahayag ng Aegis Juris Fraternity, sinabi naman nilang handa silang makipagtulungan sa pagsisiyasat.

-- Ulat nina Lyza Aquino, Zyann Ambrosio at Kori Quintos, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
University of Santo Tomas
fraternity
hazing
Horacio Castillo III
UST
TV Patrol Top
TV Patrol
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT