Makabayan bloc, kumalas sa mayorya | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Makabayan bloc, kumalas sa mayorya
Makabayan bloc, kumalas sa mayorya
ABS-CBN News
Published Sep 14, 2017 02:06 PM PHT
|
Updated Sep 14, 2017 05:03 PM PHT

Makabayan bloc breaks away from Majority Coalition, Duterte Administration pic.twitter.com/2ALEhbTbk3
— RG Cruz ABS-CBN News (@1rgcruz) September 14, 2017

Ipinahayag ng Makabayan bloc ang pagtiwalag nito sa majority coalition sa mababang kapulungan upang pagtibayin ang pagsalungat sa administrasyong Duterte.

Ito'y ayon sa isang pahayag na ipinalabas ng mga mambabatas sa ilalim ng Makabayan bloc, Huwebes.

Sa kanilang pahayag, tinawag ng Makabayan na pasista at maka-imperyalismo ang administrasyong Duterte.

Inamin ng Makabayan bloc na dismayado sila sa gobyerno, lalo na sa pag-wakas nito sa usaping pangkapayapaan kasama ang National Democratic Front of the Philippines.

ADVERTISEMENT
Kinondena rin ng Makabayan ang madugong war on drugs ng administrasyon.

"Worst of all, his (Duterte) 'war on drugs' has turned into a campaign of mass murder for the poor, for which he shows no signs of turning back," sulat ng Makabayan sa kanilang pahayag.

Ilan pa sa mga dahilang binanggit ng Makabayan sa pagtiwalag nito ang pagtapyas sa pondo ng Commission on Human Rights, pagtulong umano ni Pangulong Duterte na linisin ang pangalan ng pamilya Marcos, at panukalang ibalik ang parusang kamatayan.

Kabilang sa mga mambabatas sina Rep. Antonio Tinio at Rep. France Castro ng ACT Teachers Party-list, Rep. Emmi De Jesus at Rep. Arlene Brosas ng Gabriela Women's Party, Rep. Carlos Zarate ng Bayan Muna Party-list, Rep. Ariel Casilao ng Anakpawis Party-list, at Rep. Sarah Elago ng Kabataan Party-list.

-- Ulat ni RG Cruz
Read More:
PatrolPH
tagalog news
Makabayan bloc
balita
Sarah Elago
Carlo Zarate
Act Teachers
Gabriela
Anakpawis
Kabataan
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT