2 sugatan sa biglang pag-preno ng bagon ng MRT-3 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 sugatan sa biglang pag-preno ng bagon ng MRT-3

2 sugatan sa biglang pag-preno ng bagon ng MRT-3

Jeffrey Hernaez,

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 13, 2017 10:35 AM PHT

Clipboard

(UPDATED) Dalawang pasahero ang sugatan sa biglaang pag-preno ng bagon ng MRT-3 Miyerkoles ng umaga sa Mandaluyong City.

Ayon kay Transportation Undersecretary Cesar Chavez, kabilang sa mga nasugatan ay isang 30-taong gulang na babae na nagtamo ng gasgas sa kanang braso at isang 68-taong gulang na napilayan.

Alas-7:13 ng umaga ng Miyerkoles nang magka-problema sa Automatic Train Protection (ATP) onboard signalling system ang bagon ng MRT sa northbound ng Shaw Boulevard station, dahilan para biglaang mag-preno ang bagon.

Wala namang ibang pang nai-report na nasaktan sa insidente.

ADVERTISEMENT

Ito na ang ika-limang beses na nagkaproblema ang MRT-3 ngayon araw.

Nagbaba din ng mga pasahero ang MRT-3 sa Santolan station southbound alas-7:12 ng umaga dahil sa technical problem.

Technical problem din ang problema sa aberya ng MRT-3 sa northbound ng Magallanes station alas-8:15 at sa southbound ng Boni Station alas-8:22 ng umaga at northbound naman ng Boni station alas-9:11 ng umaga.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.