2 kaanak ni ex-Agri Sec Alcala, tiklo sa drug bust | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 kaanak ni ex-Agri Sec Alcala, tiklo sa drug bust

ABS-CBN News
Published Sep 12, 2016 11:50 AM PHT

MANILA - Naaresto ang hipag at pamangkin ni dating Agriculture secretary Proceso Alcala sa isang drug buy-bust operation sa Tayabas City, Quezon, Linggo ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na si Maria Fe Alcala at kanyang anak na si Toni Ann.

Kinumpirma ni Senior Superintendent Antonio Yara, hepe ng Quezon police, na nakuhanan ang mag-ina ng 115 gramo ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia sa operasyon sa Leveriza Subdivision, Barangay Isbang.

"Na-establish natin na silang mag-ina ay involved sa drug pushing," ani Yara sa panayam ng DZMM.

ADVERTISEMENT
Si Maria Fe ay misis ng hinihinalang drug lord na si Athelano Alcala, na kapatid naman ng dating Agriculture secretary at ni Quezon District Rep. Vicente Alcala.

Nasa drug watchlist ang anak ni Maria Fe na si Toni Ann, dagdag ni Yara.

Matatandaang suumuko sa mga awtoridad sina Athelo at anak na si Sahjid noong Agosto para itangging sangkot sila sa bentahan ng bawal na gamot.

Mahaharap sina Maria Fe at Toni Ann sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Kabuuang 16,000 drug suspect na sa Quezon ang sumuko sa mga awtoridad habang nasa 500 iba ang nahuli at 14 ang napatay ng mga pulis, ayon kay Yara.