KILALANIN: Sino ang batang si Reynaldo De Guzman? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
KILALANIN: Sino ang batang si Reynaldo De Guzman?

ABS-CBN News
Published Sep 07, 2017 09:39 PM PHT
|
Updated Sep 08, 2017 01:20 AM PHT

Working student, mabait na kaibigan at matulungin na anak kung ilarawan ng mga kaibigan, kakilala, at kaanak ang 14 anyos na si Reynaldo De Guzman.

Kaya palaisipan pa rin sa kanila ang karumal-dumal na sinapit ng binatilyo.

Kuwento ni alyas 'Ram' na kaklase ni De Guzman, madalas manghiram ng pera sa kaniya ang binatilyo at madalas din niyang ilibre ng baon sa eskuwela.

Dahil sa hirap ng buhay, patigil-tigil siya sa pag-aaral.
Dahil sa hirap ng buhay, patigil-tigil siya sa pag-aaral.
ADVERTISEMENT
Pero walang naging problema sa kaniya ang mga naging teacher niya.

Ayon sa guidance advocate ng Maybunga Elementary School na si Jason Javier, magalang na bata si Reynaldo at nagmamano pa sa tuwing makakasalubong niya.

Kuwento naman ng gurong si Teresita Dudas, responsableng bata si Reynaldo na madalas din niyang nakakasabay sa pag-uwi.

Naging madalas lang ang pag-absent ni Reynaldo sa eskuwela dahil tinutulungan niya ang ama sa pagtitinda.

Kakain lang dapat ng mami
Ayon sa kaibigan ni De Guzman na si alyas 'Jet', gabi ng Agosto 17 nang huli silang magkasama sa bahay ng kaibigang si Carl Angelo Arnaiz.

Nagpaalam daw ang dalawa na kakain lang ng mami sa Taytay, Rizal.

Pero hindi na umuwi ng kanilang bahay si De Guzman simula noon hanggang sa matagpuan ang kanyang bangkay kahapon.

Patuloy ang panawagan ng pamilya at mga kaibigan para mabigyan ng hustisya si Reynaldo.

De Guzman, maaaring 12 oras pa lang patay nang matagpuan
Sinimulan na ng National Bureau of Investigation at Philippine National Police ang imbestigasyon para matukoy kung paano napunta sa Gapan, Nueva Ecija ang bangkay ni De Guzman.

Ayon kay Senior Superintendent Antonio Yarra, provincial director ng Nueva Ecija PNP, maaaring itinapon lang sa ilog ang bangkay para ilihis ang imbestigasyon.

Susuriin pa ng mga otoridad ang mga kuha ng CCTV sa mga kalapit na lugar para makakuha ng "lead" tungkol sa sinasabing sasakyan.

Kuwento naman ng isang testigo na si alyas 'Reggie', umaga noong Setyembre 5 nang makita niya ang lumulutang na bangkay ni De Guzman sa creek.

Pero hatinggabi pa noong Setyembre 4 nang marinig ni Reggie na may kumalabog sa ilog na tila may itinapon.

Hindi niya inakalang bangkay na pala ang itinapon sa ilog.

Nagsagawa naman ng post mortem forensic analysis sa mga sugat ni De Guzman ang Public Attorney's Office (PAO).

Lumalabas na nasa 28 stab wounds o saksak ang natamo ni De Guzman sa dibdib, karamihan sa kaliwang bahagi ng katawan.

Namamaga rin ang kaniyang mga mata, ilong, at may gasgas sa mukha.

Lumalabas ding 12 hanggang 24 na oras nang patay ang biktima at puwedeng nasa ilalim ng tubig ang bangkay nang hanggang 12 oras.

At dahil puro sa kaliwa ang tama ni Reynaldo, posible ring right-handed o kanang kamay ang ginamit ng pumatay.

May mga sugat rin ang binatilyo sa braso na sinasabing defense wounds o sugat mula sa pagsalag sa pananaksak.

Ayon pa sa PAO, maaaring napatay na si De Guzman sa unang tatlong saksak pa lang.

Ang mga sumunod na saksay ay ginawa kahit patay na ang binatilyo.

-- Ulat nina Angel Movido, Jasmin Romero, at Oman Bañez, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
TV Patrol
TV Patrol Top
Angel Movido
Jasmin Romero
balita
krimen
Reynaldo de Guzman
Carl Angelo Arnaiz
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT