4 suspek sa panggagahasa ng dalagita arestado

ABS-CBN News

Posted at Sep 07 2017 10:04 AM

MANILA - Nadakip Huwebes ang 4 na suspek sa panggagahasa at pagpatay sa 16-anyos na si Grace Omadlao sa Pasig.

Ayon kay Pasig police chief Senior Supt. Orlando Yebra, nakita ng ilang testigo ang mga suspek habang kinaladkad si Omadlao noong Lunes.

Kinilala ang 4 bilang sina Joel Manuel, 31; John Jericho Peralta,18; Jomari Manuel Angeles, 22 at Emmanuel Manuel Jr.

Nakasalang pa sa interrogation ang mga suspek na idadaan din sa DNA examination. Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.