Japanese encephalitis virus na isinasalin ng lamok, maaaring galing sa baboy | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Japanese encephalitis virus na isinasalin ng lamok, maaaring galing sa baboy

Japanese encephalitis virus na isinasalin ng lamok, maaaring galing sa baboy

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 04, 2017 09:07 PM PHT

Clipboard

Umakyat na sa siyam ang nasawi sa Japanese encephalitis (JE), base sa inilabas na tala ng Department of Health (DOH) nitong Lunes, Setyembre 4.

Ayon sa ahensiya, apat na ang namatay sa Pampanga dahil sa sakit na ito, habang tig-iisa naman ang nasawi mula sa mga probinsiya ng Pangasinan, Laguna, Nueva Ecija. Dalawa ang naitalang patay sa JE sa Zambales.

Sa kabuuan naman, naitala na sa bansa ang 133 kaso ng Japanese encephalitis mula Enero hanggang Agosto 26 ngayong taon.

Sa bilang na 'yan, 53 kaso ang nagmula sa Region 3 o Central Luzon, ayon sa DOH .

ADVERTISEMENT

Paliwanag ni DOH Undersecretary Gerard Bayugo, ang Japanese encephalitis ay naisasalin sa kagat ng 'culex' mosquito na maaaring nakuha ang virus mula sa baboy.

"May reservoir kasi ang virus na ito sa baboy at kapag kinagat ng lamok, posibleng malipat sa lamok 'yong virus [at] magiging host siya nito, at kapag nakakagat ng tao ang lamok, puwede niyang mailipat ang virus sa tao," paliwanag ni Bayugo.

Kaya naman karaniwan ding naitatala ang mga kaso ng JE sa agricultural o rural areas.

Kadalasan ding nangangagat tuwing gabi at sa malalamig na lugar ang culex mosquito.

Ayon kay Bayugo, hindi lahat ng nakakagat ng culex mosquito na may JE virus ay nagkakasakit.

"... Less than 1% lang ang nagde-develop into sickness. Puwedeng nakagat ka, andiyan ang virus sa iyo, pero puwedeng natalo ng sistema ng katawan mo, but somehow that also gives you a little protection already," ani Bayugo.

"But that 1% na nagkakaroon ng problema, about 30-50% of them, nagkakaroon ng cognitive malfunction."

Kung magkaroon ng sintomas ng naturang sakit, ang tiyansang mamatay ang isang pasyente ay nasa 20-30%, ani Bayugo.

Hindi pa man nakababahala ang bilang ng mga pasyenteng may JE, ayon sa DOH, dapat pa ring mag-ingat ang publiko sa sakit.

Inaasahang makapagbibigay ng bakuna kontra JE ang DOH sa unang bahagi ng susunod na taon.

Sa Nobyembre pa lang kasi darating ang bakunang in-order ng ahensiya.

Maaari rin namang bilhin ang bakuna sa JE mula sa mga pagamutan o botikang nagbebenta nito.

Paalala lang ng DOH, dapat pa ring doctor ang magbigay ng reseta at magsagawa ng pagbabakuna.

-- Ulat ni Kori Quintos, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.