Pulis, hinihinalang holdaper patay sa barilan sa convenience store | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pulis, hinihinalang holdaper patay sa barilan sa convenience store

ABS-CBN News
Published Sep 04, 2016 08:48 AM PHT
|
Updated Sep 04, 2016 09:43 AM PHT

MANILA - Patay ang isang pulis at hinihinalang holdaper matapos mauwi sa engkwentro ang umano'y insidente ng pagnanakaw sa isang convenience store sa Parañaque, Linggo.

Pasado hatinggabi naaktuhan ng rumorondang grupo ni Chief Inspector Nelson Pagaduan na nanghoholdap ang dalawang lalaki sa tindahan sa Imelda Avenue, Barangay Sto. Niño.

Sa sumunod na palitan ng putok, napatay ang isa sa mga suspek habang nakatakas ang kanyang kasamahan.

Nakatakbo naman ang mga trabahador ng convenience store kaya walang nasaktan sa kanila, pero natamaan ng bala sa leeg si Pagaduan.

ADVERTISEMENT
Naitakbo pa sa ospital ang pulis na siyang patrol supervisor ng Pasay police community precinct 2, ngunit binawian din siya ng buhay.

Inamin naman ng kapatid ng suspek na gumagamit ito ng iligal na droga, pero hindi anya siya naniniwalang nanghold-up ito.

Narekober sa crime scene ang isang kalibre .38 na baril, dalawang pakete ng hinhininalang shabu at isang bulto ng pera.

Hindi makapagbihay ng panayam ang mga empleyado at guwardiya ng establisyemento dahil sa takot.

Inaalam pa kung makapagbibigay ng kopya ng CCTV ang pamunuan ng convenience store para makatulong sa imbestigasyon. - May mga ulat nina April Rafales, ABS-CBN News; Hajji Kaamiño, DZMM